^

PSN Showbiz

Kris, laging star-studded ang birthday party

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, laging star-studded ang birthday party
Bimby, Kris, at Joshua

Kaloka napagkamalan nila akong may birthday kahapon ha dahil sa Viber.

Talagang dagsa ang mga bumabati sa akin. Nakakaloka.

Ang nalungkot lang ako, sa edad kong ito may nagkakamali pa pala sa birthday ko.

Hahahaha. May ang birthday ko noh.

Ang may birthday ng February ay sina Kris Aquino at Heart Eva­ngelista, isali pa natin si Ronite (@dpersonalshopper) noh.

Naalala ko pa na noon na talagang aligaga ang showbiz ‘pag birthday ni Kris dahil star-studded ang mga birthday celebration nito, at lagi ring inaabangan kung sino ang special guy ‘pag birthday niya.

Nakakatuwa na parang kailan lang ang mga araw na iyon, ngayon ay heto na si Kris at may dalawang anak at dasal nga natin na sana ay healthy siya.

Ewan ko kung bakit pero may special part talaga sa puso ko si Kris  kahit pa nga hindi kami nagkikita o nag-uusap. Kasi nga I will always remember with fondness ‘yung mga unang araw na nakasama namin siya.

‘Yung kahit naughty siya, wala siyang mean bone. ‘Yung kahit nagmamaldita siya nakakatawa dahil parang childish acts lang naman at hindi ‘yung tipong looking down on you.

Hoping na sana sa birthday niya sa February 14, maganda na ang physical condition niya. At sana nga matupad ang wish niya anuman iyon para maging happy siya sa buhay.

Happy birthday, Kris and Heart.

Be happy, be well dahil both of you ay dasurv na dasurv ito.

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with