^

PSN Showbiz

Video nang pagtawanan ang pagsasara ng ABS-CBN kumalat... Harry Roque damay, Willie pinaalalahanang karma is real!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Video nang pagtawanan ang pagsasara ng ABS-CBN kumalat... Harry Roque damay, Willie pinaalalahanang karma is real!
Willie Revillame

Maraming netizens ang sumagot sa mga hanash ni Willie Revillame pagka-tsugi sa ere ang kanyang programa sa ALLTV.

Kasama nga sa mahaba nitong litanya ang “Eh, parang natutuwa pa kayo na mawawala mga programa na nagbibigay ng saya at tulong. Sana hindi ganu’n ‘di ba?”

Ipinaalala ng netizens na nung nagsara ang ABS-CBN ay pinagtawanan nila ito ni former Presidential Spokesperson Harry Roque - sabay kalat ng nasabing episode ng programa ni Willie.

Ngayon daw asan si Harry Roque, kulelat nang mag-senador at ang TV host cancelled ang programa dahil siya mismo ang nagsabi na wala pa silang commercial. “Talagang wala pang commercial na papasok dito. Kasi wala pa kaming reach, wala pa kaming signal. Kaya nga ho sinisimulan palang. Sana ipagdasal n’yo kami na maging successful ito para maraming istasyon na maraming magawa, marami kayong madinig na kabutihan, ‘di ba?”

Hirit ng ibang twitter user, asan na ang mga sinasabi ng TV host na mga sponsor niya.

Samantala, ang pangalan din ng TV host ang binanggit ng ibang netizen nang mag-post si Gab Valenciano ng “I haven’t been as vocal for awhile but I can no longer suppress my thoughts. I will just say this.

“Your power to persuade people through gaslighting your whole life has run out. What goes around will always come back around. Filipinos are waking up, you should too.”

Naging director ng programa ni Willie si Gab.

Well, lahat ngayon ay may ­opinion sa social media.

 

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with