^

PSN Showbiz

Willie, ‘di nahatak pataas ang ALLTV!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie, �di nahatak pataas ang ALLTV!
Willie

Parang hindi mo aakalain na biglang maiisip ng ALLTV na mag-stop muna na mag-produce ng shows. Kasi nga kung titingnan mo aakalain mo na magiging maganda na sana ang takbo ng lahat dahil meron silang franchise, may malaking puhunan. Pero isa ngang mahusay na negosyante ang ALLTV dahil nang makitang hindi nagpapasok ng kita ang mga programa na tumatakbo, instead na lumaki pa ang gastos, huminto muna.

Totoo rin na patuloy nilang ibibigay ang talent fee na nasa kontrata, at least lesser ‘yung gastos kesa tuluy-tuloy ang gastos sa production.

Mabuti nga at naisip ng ALLTV ang mag-stop muna kesa mas lumaki pa ang gastos. Feel mo muna kung ano ang mas gusto ng viewers.

Imagine mo na walang nagawa si Willie Revillame para umangat ang rating ng ALLTV.

Bago magdugo nang husto ang puhunan mas minabuti na ng management na huminto muna at old movies na mas nag-rating pa ang patuloy na ilabas.

Sana maging active at succesful ang ALLTV para maraming trabaho at balik init ang showbiz.

Sayang naman kasi kung pulos lumang pelikula ang mapapanood sa Channel 2.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with