^

PSN Showbiz

Pops, ninakawan!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Pops, ninakawan!
Pops Fernandez

Heartbroken ang Concert Queen na si Pops Fernandez!

Pero huwag kang mag-isip, Ateng Salve, na may kinalaman ‘yon sa kanyang love life dahil ang tagal na rin namang walang boyfriend si Pops.

May kinalaman sa kanyang Facebook fan page account ang dahilan ng sobrang kalungkutan ngayon niya. Na-hack kasi ‘yon. Actually, inireklamo na niya ang tungkol sa “pagnanakaw” ng kanyang FB fan page at gusto talaga niyang mabawi ‘yon.

Kuwento sa akin niya, “I think the hacker sold it at pinagkakakitaan na ‘yon dahil sa mga ad (advertisements). I don’t wanna make kuwento na, mahe-hurt lang ako. They sold my page and got ads from  it... so it’s making money.

“Sana maayos pa.”

Nang tanungin ko kung kailan niya na-discover ang pagkaka-hack ng kanyang account, sinabi lang ni Pops na, “Naku, may story is crazy. When I see you, I will make kuwento. I feel so stupid nga, eh.”

May isang malapit naman kay Pops ang nagkuwento sa akin na ipinagkatiwala ng Concert Queen sa isang nag-aayos ng kanyang page and password no’n at doon na raw nagsimula ang agony ng singer-actress.

No wonder at nasabi niyang, “I feel so stupid nga, eh.”

Sana nga mabawi pa ni Pops ang kanyang Facebook fan page, ‘noh?!

Burger ni Martin, bumenta rin kay Vice

Birthday kahapon ni Martin Nievera, pero noong Friday at nagpa-burger na siya sa mga kasamahan niya sa ASAP Natin ‘To!

Mismong siya ang nag-grill ng burger patties para sa mga taga-ASAP Natin ‘To at tuwang-tuwa ang lahat.

Lumabas ng It’s Showtime studio si Vice Ganda at nakita niyang naggi-grill ng burger patties si Martin, kaya nakatikim siya ng “handa” ng Concert King.

In fairness, nasarapan si Vice sa burger ni Martin kaya pinuri-puri niya ‘yon.

Sobrang na-appreciate naman ni Martin ‘yon.

Naku, naalala ko tuloy, Ateng Salve, ‘yung pinag-grill din tayo ni Martin ng burger patties nang may anniversary concert siya sa Araneta Coliseum some years back.

Instead nga na sa isang restaurant siya magpa-presscon, naisipan nila ng personal manager niyang si Joy Alonzo na sa house na lang ng brother ng huli ganapin ‘yon para makapagpa-burger ang singer-TV host.

Enjoy na enjoy nga ang lahat sa presscon na ‘yon ni Martin dahil ang sarap ng kanyang mga burger, huh!

Teka! Maikuwento nga kay Martin na nami-miss na ng friends niya sa entertainment press ang kanyang burger, I’m sure he will find a way na magawa uli ‘yon!

‘Yun na!

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with