^

PSN Showbiz

Ate Guy, ilalantad sa libro ang kanyang mga lihim!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy, ilalantad sa libro ang kanyang mga lihim!

Ilalantad na ni Nora Aunor ang kanyang mga lihim sa isang libro.

Siya mismo ang magiging publisher nito.

Naumpisahan na ang libro ni Direk Adolf Alix.

Wala raw i-edit dito at lahat-lahat ay ilalantad ng bagong National Artist at Superstar ng bansa.

Nasa Guy and Pip (now FDCP Chair Tirso Cruz III) na bahagi ng buhay ng superstar ang nagagawa nila.

Kahapon sa presscon ng pelikulang Pieta ay kinumpirma ito ni Ate Guy at ni Direk Adolf.

Ang Pieta ang pelikulang pagsasamahan nila ni Councilor Alfred Vargas na first time makakatrabaho ni Ate Guy as a producer and actor din sa pelikula na plano nilang isali sa mga international filmfest.

Third person narrative ang nasabing libro.

“Ito kasi gusto niya sa kanya, kasi parang authentic, in her own words,” sagot ni Direk Adolf.

Walang bawal-bawal sa nasabing libro.

“Ngayon nandoon na kami sa Guy and Pip saka mahaba na ‘yung napag-usapan namin. May anecdote din siya na bumabalik siya sa present. Syempre dahil kwentuhan may balik past present na kwentuhan. So medyo marami na,” dagdag ni Direk Alix.

So pumunta na kayo Bicol, hometown ni Ate Guy? “Hindi, sa kanya muna. Kasi parang importante sa kanya na kanya manggaling muna lahat. So ang point namin, kaya Nora and her own words kasi parang kanya lang,” dagdag ng isa sa mga taong malapit kay Ate Guy.

Clear pa ‘yung memories n’ya sa mga pangyayari?  “Oo sobra. Kaya siguro ganado siyang magkwento.”

May mga shocking na ba siyang mga naikwento? “Meron, hindi naman nakaka-shock dahil weird. Pero parang syempre hindi ko alam ‘yun bilang hindi ako pinanganak ng panahon na ‘yun. So parang ‘ahh ganon pala ‘yun’ ito ‘yung kwento nung sistema noong araw.

“May mga ginagawa silang pelikula pala nung araw na parang sabi niya noon parang music video lang tapos pelikula pala ‘yun. Isang araw lang sino-shoot, tapos pelikula na. Tapos parang isang linggo parang anim na pelikula na ‘yung natapos niya. Tapos ‘di niya alam. Kumakanta lang naman siya,” lahad pa ni Direk Adolf.

Naalala niya ba kung ilang pelikula ‘yung nagawa niya tapos ilang kanta ang na-record nya?

“Ang dami parang lagpas 300 yata. ‘Yun ‘yung inaano rin namin ngayon, gina-gather niya rin eh. I think nagiging conscious na rin si ate Guy ngayon sa materials na meron sya eh. Like ano ‘yung mga films na na-produce n’ya para makuha nya, ma-gather niya.”

Lahat ba ng pelikula nya naka-library?

“Meron siyang iba ‘yung iba parang pinapa-trace niya ngayon. Kasi ‘yung mga classic kasi uso rin ang restoration. ‘Yung mga classic niya gusto niyang malaman kung kanino pa ‘yung mga ‘yung rights.”

Saka ‘yung awards siya, nabibilang niya kaya?

“Ang dami. Saka ‘yung mga prinoduce nya. Kasi producer din siya kahit hindi siya artista. Ang dami n’ya rin na-produce na under sa NV Productions.”

Kasama ba dun ‘yung mga intriga sa libro ni Ate Guy?

“Lahat naman. I think kung ano ‘yung gusto niyang ikwento ‘yun ang importante pero as of now doon naman sa book nung nag-iinterview kami wala naman s’yang pinipili. Kung ano ‘yung mga intriga parang kasama naman pero parang hindi naman ‘yun ang focus nya. Parang importante sa kanya makwento nya ‘yung kwento nya, lessons. Syempre kasama doon mga hindi maiiwasan, nakasama doon mga kwento na na-down s’ya. Interesado rin kami. Ganda rin kung pano niya hinaharap,” mahabang kuwento ni Direk Adolf sa amin pagkatapos ng presscon kahapon ng Pieta.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with