^

PSN Showbiz

Pau Fajardo, never na ulit mai-in love sa basketball player

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pau Fajardo, never na ulit mai-in love sa basketball player
Pau Fajardo

Wala na ulit planong ma-in love sa basketball player ang social media star na si Pau Fajardo.

Maaalalang naging maingay ang pangalan ni Pau sa broken engagement nila ng Ginebra player na si Scottie Thompson na ngayon ay preggy na ang pinakasalan na si Jinky Serrano.

Eight years silang naging-mag-jowa at engaged na sila nang biglang mag-split at nagpakasal sa iba.

May mga nanliligaw na raw sa kanya sa kasalukuyan “Meron naman pero ‘wag na muna.”

Hanggang saan lang ‘yung pag-entertain mo?

“Hanggang sa talagang ok na ako. Ok naman na ‘ko, kumbaga, ‘yung gusto ko ‘yung maging magaan lang,” sabi niya nang maka-chika namin sa thanksgiving party ng ini-endorse niyang Luxe Slim and Luxe Skincare.

Gaano na ba siya ka-ok?

“Ok na ok po. From 100, 100. Naka-recover na ako,” aniya pero halos isang taon din daw ‘yun bago talagang naging normal ang lahat sa kanya kung saan dinaanan niya lahat ng ‘sakit’ dahil sa broken engagement.

Pero kahit ok na siya, parati pa ring nababang­git ang pangalan ng ex tuwing andyan siya “Actually hindi ko nga po alam. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa ganon kasi that’s their opinion, eh, pero ako, gusto kong sabihin na I’m ok na. Parang… tama na.”

At umiiwas na siyang pag-usapan ito. “’Yung iba, oo tinatanong pero I’m ok lang na sabihin na wala na ‘yon na ayoko na siyang… hindi naman ayokong pag-usapan pero siguro ‘wag na lang.”

Inamin niyang may mga offer sa kanyang showbiz-related work pero wala pa raw siyang tinatanggap kaya sa social media siya naka-concentrate.

If ever, ano ang role na gusto mong gawin? “Kahit ano naman pong ibato. Pag-aaralan ko na lang kung paano siya kasi bago ‘to lahat sa akin, eh. So willing naman ako to learn and to attend workshop kung kinakailangan para maaral ko kung paano.”

Sino ang gusto mong makapareha if ever?

“Zanjoe Marudo is my ultimate crush. And very magaling kasi siya. Parang kaya niya lahat ng role, kung anong ibato sa kanya nagagawa niya.”

Magkakilala kayo nang personal? “Hindi naman. Parang nagkasama lang before kasi kaibigan siya…”

vuukle comment

BASKETBALL PLAYER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with