^

PSN Showbiz

Heart inaming na-pressure magkaanak, Sen. Chiz na-’marites’ sa Senado!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart inaming na-pressure magkaanak, Sen. Chiz na-âmaritesâ sa Senado!
Heart Evangelista

Inamin na ni Heart Evangelista na nape-pressure siyang magka-baby sa lumabas na interview ng Mega Megazine.

Ito diumano ang na­ging isyu noon sa kanila ng asawang senador na si Chiz Escudero ayon sa usap-usapan.

Binanggit niya sa interview na “I think it was a lot about being pressured to have a baby.

“It was not necessarily from certain people. It was really like a shift in my life: the pressures of being a wife, the pressures of being a certain mold, and I just wanted to get rid of that. And I did, by doing what I felt like doing. And if people don’t get it, then they don’t get it,” kuwento niya sa nasabing interview.

At kahit daw nasa showbiz na siya ng mahabang panahon, hindi pa rin niya alam kung paano humawak ng sitwasyon dito dahil lahat ay may sinasabi : “I guess I never really learned the art of dealing with being in showbiz completely. People will always have something to say. But, now, I totally don’t care.”

Noong isang taon ay naging maingay ang intrigang hiwalay na sila. Noon ay madalas sa Paris si Heart at bumili pa ng apartment.

May nag-leak noon na kuwento diumano’y magsasalita si Heart sa nasabing hiwalayan nila bagama’t hindi naman daw naghiwalay literally ang mag-asawa dahil sa kanilang bahay umuuwi si Heart tuwing darating ito ng Pilipinas.

Matagal din itong hindi nag-upload na kasama ang asawa.

At ang matinding naapektuhan diumano noon, ang senador.

Kaya naman nagpapasalamat si Heart sa asawa na hindi bumitiw sa kabila ng mga pinagdaanan niya.

“I had to pass through fire and not a lot of people could pass through that fire with me. That’s why I’m very appreciative of my husband, my friends, because they were really there for me when we needed to go through a certain time in my life. It was painful, but it was good.”

Ngayon ay nag-aapreciate niya raw ang asawa. “I don’t want to be a hostage of anything and anyone. And I’m just very appreciative of my husband for seeing that. I think, in a way, maybe he was afraid for me, that I would be hurt by the world, or the letdowns, or people doing things to me, because he knew that I had such a gentle heart, and he thought I wouldn’t survive a heartbreak. But I can survive anything,” pahayag niya sa nasabing interview.

May hihintayin na raw kayang little Chiz or Heart sa lalong madaling panahon?

Samantala, pangiti-ngiti lang daw ang sagot ni Sen. Chiz sa mga nangantyaw sa kanyang kapwa senador sa Session nila noong Miyerkules.

Inihatid nga ng senador si Heart sa Paris Fashion Week at pagbalik ng bansa ay dumalo na ito sa Senate session.

Si Sen. Grace Poe ang nag-umpisa ng ‘marites moments’ sa senado.

“Mr. President, together with each and every member of this body, I would like to warmly welcome our colleague and my seatmate, Senator Chiz,” simula ng Senadora.

“First time in a long time we’ve seen that smile on his face, with a wonderful aura. And I think if there’s anything we learn from this,  love is worth fighting for,” dag­dag ni Sen. Grace na parang may alam sa pinagdaanan ni Sen. Chiz.

Umayon naman si Senate President Migz Zubiri.

“That’s the reason why we suspended the session because I wanted to go down and give a big hug to our dear friend and classmate in Congress, our idol. We believe in second chances,” nakangiting sabi ni Sen. Migz.

Hirit naman ni Sen. Joel Villanueva na parang nakikipagdebate, “and Mr. President, we heart Chiz.”

Umayon si Sen. Migz.

Nakisali rin si Senate President Pro-Tempore Loren Legarda na nagpahayag din ng suporta sa mister ni Heart.

Sa bandang huli sinabi ni Senate President Migz, “we are all happy for him. Let’s put that on record. This whole session floor is happy for our dear colleague from Sorsogon.”

Maya-maya ay nag-post na si Sen. Chiz “A couple of light moments with our dear Senate colleagues during the recent Session,” na maganda na nga naman uli ang awra.

 

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with