^

PSN Showbiz

Magandang buhay, nasa TV5 na rin!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Magandang buhay, nasa TV5 na rin!
Melai, Regine at Jolina

Mas maraming momshies, popshies, at anakshies ang mabibigyan ng saya, inspirasyon, at kaalaman araw-araw ng Magandang Buhay sa kanilang pagsama sa morning block ng TV5 simula ngayong Lunes (Peb. 6), 9 a.m.

Sa kanilang unang episode, samahan ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na ipagdiwang ang kanyang ika-35 anibersaryo sa industriya kasama ang kanyang ku-momshies na sina Jolina Magda­ngal-Escueta at Melai Cantiveros. Balikan ang kanyang pinagdaanan kasama ang kanyang idolong si Kuh Ledesma.

Makakasama naman ng momshies sa Martes (Peb. 7) ang real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Mula sa loveteam hanggang sa real life, alamin ang kanilang pinagdaanan sa nakalipas na anim na taon.

Samantala, makipagkwentuhan kasama ang magkapatid na sina Diego at Max Gutierrez sa Miyerkules (Peb. 8). Malalaman na nga sa episode kung boto ba sila kay Paulo Avelino para sa kanilang ate na si Janine Gutierrez habang magbabahagi naman si Kianna Valenciano ng kanyang mga natutunan ngayong mag-isa lang siyang namumuhay sa US.

 Maki-chika naman sa latest developments ng special bond nina KD Estrada at Alexa Ilacad sa Huwebes (Peb.9) habang bibisita rin ang mga bituin ng Darna na sina Jane de Leon at Janella Salvador na ibabahagi rin kung paano sila naging matalik na magkaibigan dahil sa serye sa Biyernes (Peb. 10).

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with