^

PSN Showbiz

Mas pinili ang mayamang negosyante...magandang aktres, tinanggihan ang proposal ng male celeb!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang wini-wish ng mga taong malapit sa magandang aktres na makakita na ng tamang lalaking makakasama niya forever.

Naka-ilang relasyon na rin kasi siya, pero hindi nagtatagal, single na naman siya.

Matagal ding na-link si magandang aktres sa isang kilalang male celebrity. Hindi lang sa Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa.

Naging malalim ang kanilang relasyon at nagtagal din.

Ngayon lang namin nabalitaang nag-propose pala itong si male celebrity kay magandang aktres, pero nang lumuhod ito at inalok ang engagement ring, isang nakakabinging katahimikan ang sagot ni aktres.

Nagdurugo ang puso ni male celebrity, sumemplang ang proposal, at natuloy na sa hiwalayan.

Nung panahong ‘yun ay nasa marrying age naman daw si magandang aktres, pero ewan ko kung hindi pa ba siya handa o ayaw lang niyang magpakasal dito kay male celebrity.

Ngayon ay committed na naman si magandang aktres sa isang mayamang negosyante.

Sana ito na raw talaga ang lalaking gustong makasama ni magandang aktres na habangbuhay.

Sarah, gustong gawan ng pelikula ni Direk Lino

Sobrang natuwa kami nang magkita kami ni Direk Lino Cayetano sa ilang araw na bakasyon namin sa Japan.

Ang dami naming napag-usapan, at nakakatuwa, pursigido pa rin ang Rein Entertainment na mag-produce ng pelikula kahit hindi naman ganun kaganda ang resulta sa katatapos na Metro Manila Film Festival entry nilang Nanahimik ang Gabi.

Nabanggit nga ni Direk Lino ang Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio na may kasunod agad sila na movie project pagkatapos ng Mamasapano: Now It Can Be Told.

Nakatakda nang lumipad pa-Prague sina Paolo Gumabao at ang Czech actress na si Sara Sandeva, para kunan ang mga mahahalagang eksena ng pelikula nilang Spring in Prague.

Nakakatuwa raw sabi ni Direk Lino na itinuluy-tuloy ng Borracho ang paggawa ng pelikula.

Kaya ibinalita ni Direk Lino na tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng Rein Entertainment ng mga pelikula at series na pang-strea­ming. “It will be an exciting year for Rein Entertainment in producing more films. Pero boutique production house lang kami. Maliit lang kami. So, we wanna do two movies and two series this year,” masayang pahayag ni direk Lino.

Bilang baguhang producer na first timer sa MMFF, marami raw talaga siyang natutunan dito. “Unang-una napaka-spoiled ko palang direktor ‘no? Nung director ako sa ABS, lahat binibigay sa akin.

“Iba pala ‘pag producer ka. So, lahat iisipin mo ‘yung budget, iisipin mo ‘yung promo, iisipin mo ‘yung distribution. Dati ‘pag nandun ako sa ano bilang director, iniisip mo lang ‘yung nasa harap mo.

“Iniisip mo lang makuwento ‘to. Pero kahit anong ganda pala ng kuwento, kung wala tayong mga kaibigan, partners tulad n’yo, wala tayong mga platforms, distribution, hindi rin mapapanood ng mga kababayan nating mga Pilipino, in the Philippines and abroad.

“So, ako naintindihan ko na ‘yung mga bagay na siguro matagal n’yo nang alam, na ‘yung industriya natin talaga napakalawak. Hindi lang siya tungkol sa ginagawa mo sa set, but it’s really a network of people helping each other para mapalabas mo ang produktong ito,” pahayag ni direk Lino Cayetano.

Naka-focus muna siya ngayon kasama ang partners niyang sina direk Shugo Praico at direk Philip King ng Rein Entertainment sa series para sa Vivamax.

Maganda ang partnership nila sa Viva Entertainment, pero isa pala sa gusto pang gawin ni direk Lino ay isang pelikulang pagbibidahan ni Sarah Geronimo. Gusto raw talaga niyang maidirek si Sarah G. sa isang pelikulang posibleng collaboration ng Rein at Viva.

vuukle comment

ENGAGEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with