^

PSN Showbiz

Rufa Mae, Home Health and Hospice ang negosyo sa US

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae, Home Health and Hospice ang negosyo sa US
Rufa Mae

Alam mo, Ateng Salve, bilib din ako kay Rufa Mae Quinto, madiskarte talaga ang Kapuso comedienne, huh!

Sa ngayon nga, pabalik-balik sa San Francisco, California at Philippines si P-chi (paboritong tawag sa kanya) and in fairness, may career pa rin siya hanggang ngayon dahil kahit sa Amerika ay marami siyang offer na shows.

Dito naman sa atin, hindi rin siya nawawalan ng projects dahil bukod sa GMA 7 ay marami pang kumukuha sa kanya. Sa katunayan, babalik nga raw siya sa March dahil may ilang projects siyang gagawin.

Sa ngayon nga lang ay kasama niya ang mister na si Trevor Magallanes at anak na si Athena sa Amerika dahil fami­ly time muna siya.

Habang ka-chat ko nga siya kahapon ay nag-timeout muna si P-chi dahil pakakainin pa raw niya ang anak. “Dinner time na kasi, need ko pakainin si Athena. Alam mo na, nakatutok ako sa bata kapag nandirito kami sa US. Walang yaya, kami mismo nag-aasikaso sa lahat,” sey niya.

Katulong naman niya ang mister na si Trevor sa pag-aasikaso sa anak. “Noon kasi kapag umuuwi ako sa Philippines, kasama si Athena. Pero ngayon, nag-aaral na siya kasi six years na, kaya studies ang priority niya. Kapag uuwi ako sa atin, si Trevor nag-aasikaso sa kanya,” sey ni P-chi.

At kapag umuuwi raw siya ngayon ng Philippines ay sandali lang naman siya at kapag tapos na ang projects, balik-San Francisco na.

Saka alam mo ba, Ateng Salve, nakakabilib ang kasipagan ni P-chi dahil kahit marami pa siyang projects ngayon, nagtayo na rin siya ng business sa Amerika. “Home Health and Hospice na ang career namin dito hahaha. Nagtayo kami para si hubby mas flexible rin ang oras. Mas may time siya sa amin ni Athena. Saka maganda rin na may business,” kuwento ni P-chi na sa pagiging magaling mag-business ay imposibleng maghirap, huh!

Ngayong 2023 nga raw, may mga show siya sa UAs, Canada at Australia, kaya excited din siya. “May iba pa akong projects at endorsements. May na-shoot din ako na secret project pa. Sa isang bansa sa Asia kinunan. Hindi pa puwedeng i-announce. Pero kailangan magsipag pa rin, kaya go, go, go lang kapag may mga offer.

“At least si hubby can take care of our daughter at may business din,” kuwento pa ng Kapuso comedienne.

So bongga!

Direk Joel at Darryl, hinihintay ang sagutan

Next week na haharap sa entertainment press ang stars ng Martyr or Murderer (MoM) ng Viva Films.

Siyempre, bukod kina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Isko Moreno, haharap din si Direk Darryl Yap.

Sagutin kaya ni Direk Darryl ang mga dialogue ni Direk Joel Lamangan dahil sa nalalapit na pagtatapat ng kanilang mga pelikula sa mga sinehan on March 1?

Yes, magkatapat nga raw ang MoM at ang Oras de Peligro movie nina Direk Darryl at Direk Joel.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFA MAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with