^

PSN Showbiz

Kim, feeling legit na TV host na

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, feeling legit na TV host na
Kim Chiu

Kamakailan ay nasungkit ni Kim Chiu mula sa 35th PMPC Awards for Television ang Best Female TV Host award para sa programang It’s Showtime. Masayang-masaya ang dalaga sa natanggap na award kaya nagpasalamat sa lahat ng co-hosts at iba pang mga kasamahan sa naturang noon time show. “Thank you, Showtime grabe, first award ko ito. Legit na ako (na isang TV host). Thank you so much, may resibo. I want to cry. Kasi hindi ko naman strength ang hos­ting. Naglalaro lang tayo dito, feeling ko. Pero salamat sa Showtime dahil binibigyan n’yo ako ng pagkakataon every day binibigyan n’yo ako ng endless chances at endless opportunity. At ‘yung award na ‘yan kasi first award ko,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa sa telebisyon. Bukod sa It’s Showtime ay si Kim din ang pangunahing host ng Dream Maker: Search for Next Global Pop Group. Tuwing Linggo naman ay napapanood na sumasayaw ang dalaga sa ASAP Natin ‘To. “Lahat kayo (co-hosts), kasali na rin ako. Thank you so much sa PMPC Star Awards. Maraming-maraming salamat po for the recognition. Sa lahat po ng sumusuporta sa akin at laging tumatawa sa mga jokes ko kahit waley. Salamat, mabuhay kayong lahat. Nandito lang po ako, let’s share good vibes every day. Thank you, Showtime. I love you all,” paglalahad ng dalaga.

Janella, nagpasalamat sa mga miyembro ng LGBTQ

Sa susunod na Biyernes ay magwawakas na ang Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Tumatak din sa isipan ng mga manonood ang karakter ni Janella Salvador bilang si Valentina. Para kay Janella ay malaki ang naitulong sa kanya ng pagganap bilang kontrabida ni Darna. “I think this role made me grow as an actress. It gave me the confidence to know that I’m really for this industry. I usually doubted myself before. This character gave me so much to learn from and for myself. Perfect timing and everything,” pagbabahagi ni Janella.

Matatandaang mahigit dalawang taong nagpahinga ang aktres mula sa trabaho mula nang magbuntis at manganak. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makagawa ni Janella ng isang kontrabida role. “I think it’s crucial naman talaga kung ano ang susunod kong gagawin. Pero hindi ko naman iniisip ‘yon. Ang mas iniisip ko, kung maganda ba ‘yung character, kung maganda ba ‘yung story. Mas do’n ko siguro ibi-base. Okay din naman magbida-kontrabida honestly. It really helps you grow. ‘Pag tinatanong ako kung ano ‘yung dream role ko, sabi ko gusto ko ma-experience na mamatay ‘yung cha­racter ko. Recently ko lang din nagawa ‘yung scene na ‘yon. Siyempre nalungkot ako for Regina (karakter ni Janella kapag hindi pa nag-aanyong Valentina). No’ng nabasa ko, actually naiyak ako. Kasi ang dami ring pinagdaanan ng character ko. Tapos she’s gone pero si Valentina naman ay buhay pa. So abangan nila (ang pagtatapos),” nakangiting pahayag niya.

Samantala, nagpasalamat si Janella sa mga miyembro ng LGBTQ community na sumusuporta at pumupuri sa kanyang magaling na pagganap bilang si Valentina. “It was so unexpected na ie-embrace ng LGBTQ community ‘yung character ko. It’s such a wonderful surprise and I’m proud to represent this community. It’s really nice to be able to inspire people. I think that what keeps us going on when we find inspiration in things. So to be able to do that for other people, parang malaking bagay ‘yon para sa akin. Thankful ako na kahit unexpected siya, maganda ‘yung naidulot niya,” pagtatapos ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with