^

PSN Showbiz

‘Paolo, malaki na sana ang ipon kung marunong humawak ng pera’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Paolo, malaki na sana ang ipon kung marunong humawak ng pera�
Paolo at nanay

Ngayon yata naging very exciting ang issues kay Paolo Contis. Hindi ko masisisi ang mga taong nag-aakusa kay Paolo na hindi nagbibigay ng suporta, hindi dinadalaw ang mga anak.

No amount of apologies ang puwedeng magbura sa hindi mo pagbibigay ng oras para makita ang mga anak mo. Suwerte nga ni Paolo na maayos ang buhay ni Lian Paz at maganda ang pagtingin ng naging asawa nito sa mga anak nila na si John Cabahug.

Ok din na maganda ang buhay nila LJ Reyes at anak nila ni Paolo sa USA. Huwag na ‘yung pera na suporta, o anumang materyal, sana lang meron siyang ibinigay na oras para hindi maputol ang communication sa mga anak.

Pero maaga pa, puwede pang bumawi si Paolo.

Sana nga ay nag-mature na siya para makita ang responsibilidad na nasa balikat niya. Sana nga ay maayos na niya ang napakasalimuot na journey ng buhay niya.

Totoo nga sana na may iniipon siyang pera para ibigay sa mga anak niya pagdating ng panahon.

Bata pa ay nasa showbiz na si Paolo. Kung iisipin mo, napakarami na sana ng kinita niya at naging investment kung naging maayos ang financial handling niya. Huli na ang sisihan, pero dapat doble sipag at suwertehin si Paolo ngayon para matupad  ang pangarap niyang bahay at malaking pera sa bangko. Tatlo ang anak niya na dapat niyang pag-ipunan, at kahit late niya naisip magpundar ng bahay, medyo hindi ganun kaganda ngayon ang lagay ng showbiz.

Wish you luck, Paolo, likas kang mabait, kaya sana naman matupad ang mga pangarap mo.

Hindi pa huli para maayos lahat  ni Paolo. Sana nga si Yen Santos na ang makatulong niya para makabawi ng bongga.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with