^

PSN Showbiz

Coco, inaming napagod sa trabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco, inaming napagod sa trabaho
Coco Martin

Pitong taon ang itinakbo ng kwento ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbidahan ni Coco Martin. Anim na buwan pa lamang ang nakalilipas nang magwakas ang naturang serye. Ngayong buwan ay mapapanood na rin sa Kapamilya Channel ang FPJ’s Batang Quiapo na muling pagbibidahan ng actor-director.

Aminado si Coco na talagang nakararamdam na rin ng pagod dahil sa rami ng kanyang mga ginagawang trabaho. “Actually oo, napapagod din ako, nagagalit din ako. Pero ang laging nag-i-inspire sa akin is kapag alam kong tama ‘yung ginagawa ko. Lalo na kapag meron akong proyektong ginagawa na alam ko na nai-inspire ko rin ‘yung mga katrabaho ko o ‘yung grupo ko, mga co-actors ko,” pagtatapat ni Coco.

Masarap umano sa pakiramdam ng aktor sa tuwing nalalamang nagsisilbi siyang inspirasyon sa mga kasamahan sa katrabaho. “Natutuwa lang ako kasi alam ko na kahit ‘yung veteran actors na katrabaho ko nai-inspire ko pa rin sila. Siguro dahil sa pagiging energetic ko. Kasi hindi ako pwedeng makita nila na mahina eh, na babagal-bagal at tatamad-tamad. Kasi mas gusto kong pinapakita sa kanila na ‘pag nasa trabaho, trabaho talaga. Kasi binabayaran ang ginagawa namin dito,” paliwanag niya.

Ayon kay Coco sa sa tuwing umuuwi na lamang sa bahay siya nakararamdam ng pagod mula sa trabaho. “Kapag sumakay na ako ng sasakyan, do’n na nagsa-shutdown lahat. Siyempre do’n mo na maa-absorb ‘yung pagod, ‘yung stress, lahat ng pinagdaanan mo. Ayoko na haharap ako sa tao na ipapakita ko na parang wala akong gana. Gusto ko sa akin magsisimula ‘yung saya o ‘yung positivity ng mga kasama ko sa trabaho. Kaya sa bawat proyekto ko lampas 100%. Lahat ng naiisip ko, nai-imagine ko, lahat ng sipag binibigay ko na. Kasi ‘pag natapos na ‘yon hindi mo na mababalikan. ‘Pag hindi mo binigay ‘yung 100% mo manghihinayang ka. Kaya ako laging tinotodo ko na po. Isang bigayan na lang lahat,” pagbabahagi ng actor-director.

Cassy, nag-voice lessons para sa pelikula

Sa kauna-unahang pakakataon ay gumawa ng isang pelikula si Cassy Legaspi. Kasama ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Ako Si Ninoy na pinagbibidahan ni Juan Karlos Labajo.

Ayon kay Cassy ay talagang suportado ng kanyang mga magulang ang pagsabak niya sa paggawa ng pelikula. “Actually, they both encouraged me to do it. Kasi po I’ve never done a mo­vie, tapos musical pa, hello! Kasi I’ve never done anything like this pero they told me to do it. And as soon as I got ‘yung character description, nag-yes ako. Sabi ko sa kanila, ‘Wala kayong choice, gagawin ko ‘to.’ Because I really, really want to do it,” nakangiting pahayag ni Cassy.

Bilang paghahanda sa kanyang karakter ay kinailangan pa umanong mag-voice lessons ng dalaga. “Nag-voice lesson ako ng 10 hours a day. So with what my character went through, basta mabigay ‘yung story niya and I had to ask victims of their stories, how it really was and then ayun. Parang sinabi ko sa sarili ko na I will use this to, parang to add more passion sa acting ko and I will be their voice because they weren’t able to speak. So sabi ko, ‘Ako na bahala sa inyong lahat. Sa singing part, oh my God. Prayers siguro, I really practice especially ‘yung song. Sabi ko, ‘My God, I’m going to sing this. I practice guys and sana magaling ako,” natatawang paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with