^

PSN Showbiz

Alden at Ysabel, bagay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden at Ysabel, bagay!
Ysabel Orteg

Kahit ano pang sabihin nila, nakakatulong si Alden Richards sa mga naging kapareha niya dahil siya ay malaking star. Kaya nga dream ko na sana makasama siya ni Ysabel Ortega sa isang serye para tuluyang magningning ang bituin ni Ysabel.

Makakatulong ang brightness ng star ni Alden kay Ysabel.

At kaya siguro ganun ang aura ni Alden dahil isa siyang mabuting tao. Mula sa puso ang mga ginagawa niya at sinasabi.

Kaya naman mamahalin mo siya at ipaglalaban gaya nang ginagawa ni mama Ten sa kanya.

Kaya nga gusto ko na makita ni Ysabel iyon quality na iyon ni Alden para sundan niya ang pagiging humble at kind nito kahit pa nga nasa itaas at sikat na sikat ito.

A true gentleman, at kung magiging lucky malay n’yo, mapunta sa romantic level ‘di mas mabuti ‘di ba. Mas magiging happy ako dahil perfect match ang dalawa. Alden Richards at Ysabel Ortega, why not?

Hahahaha. Kaloka naging match maker pa ako.

Wala bang jowa si Ysabel?

Naku lagot ako. Basta, mas bagay sila.

Ang ganda ni Ysabel sa totoo lang na isa sa mga bida sa bonggang teleseryeng Voltes V: Legacy.

Twenty four years old na si Ysabel na nag-celebrate ng birthday recently lang.

Happy birthday Ysabel. Basta love kita at wish ko na matuloy ang tambalan ninyo ni Alden.

Ang ganda-ganda ng mukha mo at bagay kayo.

Hahahaha. Bongga.

vuukle comment

YSABEL ORTEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with