^

PSN Showbiz

Alex ayaw tigilan sa icing ng cake, tulong kay shalala naungkat

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alex ayaw tigilan sa icing ng cake, tulong kay shalala naungkat
Alex Gonzaga

Nabubuhay ang isyu ni Alex Gonzaga tuwing may nagsi-celebrate ng birthday at kinakantahan bago mag-blow ng candle.

Sa nakaraang kaarawan ko ay gusto pa ng ilang guests ko na gayahin ang eksena ni Alex, pero parang ang luma na.

Unless, kilalang celebrity ang gumawa nito uli at ipinost sa social media.

Pero si Dina Bonnevie nang nag-birthday kamakailan ay hindi naman niya ginawa ‘yun nang kinantahan siya ng Happy birthday pagkatapos niyang mag-blow ng candle sa halip na pahiran ng icing ang mukha ng waiter ay nagpasalamat siya.

Obvious na patutsada kay Alex ang linyang “Cakes are to be eaten, not to be pasted on other people’s face.”

Wala lang kaming contact kay Alex, pero tinanong namin ang ilang taong malapit sa actress/TV host.

Alam daw nilang hindi na ito papatulan ni Alex.

Sino ba naman ang gustong humaba pa ang isyung ito? Pero humupa na ba ang galit ng mga tao kay Alex?

Maaaring maraming galit pa rin, pero kailangan na nating mag-move on.

Sinasabi ng iba, na wala man lang daw ka-remorse remorse si Alex nang mag-guest siya sa katatapos na I Am Toni concert ng kanyang ate Toni Gonzaga.

Sa totoo lang, ano naman ang gagawin ni Alex? Entertainer siya at kailangan niyang mag-perform, at kung kailangan niyang magpatawa, gagawin niya.

Pati nga ang mainit na isyung ito ay ginagamit na niya, at hindi naman niya ito iniiwasan.

Hiningan nga namin ng opinyon ang ilang komedyante tungkol sa isyung ito.

Nung nagpu-promote pa sina Anjo Yllana, Benjie Paras at Janno Gibbs ng pelikula nilang Hello, Universe! tinanong namin sila tungkol dito.

Sabi naman ni Benjie, masyado na talagang sensitive ang mga tao ngayon.

Dati naman ay ginagawa na itong pagpahid ng icing sa cake, pero iba na ang dating ngayon sa mga tao kapag ginagawa ito, sa ibang tao.

Ani Benjie, “Sa side ni Alex, nagagawa naman natin dati ‘yan, hindi ganun ka-sensitive. Ngayon kasi masyado nang sensitive ang mga tao. Of course, ‘yung sinabi nga ni Anjo na masaya si Alex siguro, and siguro komedyante rin, gusto niya magpatawa ‘di ba?

“Kung kukunin naman natin ‘yung side ng waiter, meron kasi tayong tinatawag na parang ‘yung… siyempre ‘yung waiter na sinasabi nila na mas mababa kami sa ‘yo, pero dapat huwag ganun ang gawin, ‘di ba?

“Mahirap kasi, lahat na ginagawa natin ngayon may nakabantay e. Ang inaantay ng mga tao hindi ‘yung kabutihang ginawa mo, ang isa mong pagkakamali. ‘Yun ang ilalabas talaga.”

Umaayon ako sa sinasabi ni Benjie, kaya hinding-hindi ko rin nakakalimutan ang madalas na kinukuwento sa akin noon ng namayapang komedyanteng si Shalala na napakabait daw sa kanya ni Alex.

Nung nalaman daw ng actress/TV host na wala nang show si Shalala, pinapadalhan niya ito ng pera sa GCash na ikinagulat na lang ng namayapang komedyante.

Lalo nung nagkasakit siya, kahit hindi humihingi ng tulong si Shalala, iti-text lang daw siya ni Alex para kumustahin. Ilang sandali lang may pumapasok na sa GCash ni Shalala ng pera. Mula ‘yun kay Alex.

Nalaman din namin na nung pumanaw si Shalala ay kaagad nagpadala si Alex ng tulong sa pamilya.

Kaya mas nanaig ang magandang ginawa ng kontrobersyal na aktres kesa sa pagkakamaling nagawa niya.

Paolo, naiyak sa kasalukuyang sitwasyon ng ina

Hindi pinayagan si Paolo Contis na umalis sa shooting ng pelikula nila ni Rhian Ramos na Ikaw at Ako. Kaya hindi siya nakadalo sa katatapos lang na Star Awards for TV na ginanap sa Winford Hotel nung nakaraang Sabado.

Si Paolo ang nagwaging Best Comedy Actor.

Kung personal na nakuha ni Paolo ang naturang award, malamang na iiyak na naman ‘yun.

Isa sa pinagdadaanan niya ngayon ay ang kanyang Mama na nasa hospital.

Kaya sa acceptance speech na ipinadala niya sa taga-Bubble Gang ay inalay niya ang naturang award sa kanyang Papa at Mama.

“Ang award na ito ay para sa aking Papa na nasa langit na! Dahil naniniwala ako na sa kanya ko nakuha ang aking timing sa comedy! And of course to my mom. Sana magpagaling ka agad.

“This award is also for the whole cast, staff, team of Bubble Gang. Salamat sa tiwala niyo sa akin!” aniya.

Hindi raw gaanong okay ang kalagayan ng kanyang ina, kaya isa ito sa iniyak niya sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda.

Mapapanood ngayong araw sa Fast Talk with Boy Abunda ang part two ng interview kay Paolo.

Mas nakakaiyak daw ito ayon sa taga-FTWBA na nagpatanungan ko.

Lahat ay tinanong ni Kuya Boy kay Paolo at sincere raw ang Kapuso actor sa kanyang mga sagot.

Halos lahat daw sila sa studio ay nag-iyakan sa mga pahayag ni Paolo Contis.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with