^

PSN Showbiz

Sharon, gustong maging tindera sa Batang Quiapo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharon, gustong maging tindera sa Batang Quiapo
Sharon Cuneta

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makatrabaho ni Sharon Cuneta si Coco Martin. Matatandaang naging bahagi rin ang Megastar sa FPJ’s Ang Probinsyano noong isang taon. Mapapanood na sa susunod na buwan sa Kapamilya Channel ang FPJ’s Batang Quiapo na pinakabagong proyekto na pagbibidahan ni Coco. “Sana nga mag-book 2 (ang Probinsyano) pero ang demanding ko naman. Siguro ‘yung Batang Quiapo, gawin mo akong cast diyan anak kahit nagtitinda lang sa sari-sari store,” nakangiting pahayag ni Sharon.

Ayon sa aktres ay talagang napamahal na siya kay Coco kahit maikling panahon pa lamang silang nagkatrabaho.

Para kay Sharon ay talagang na kay Coco ang magagandang katangian ng isang aktor at direktor. “Coco anak, isa sa pinakamasaya, pinakamagaling, pinakamaalagang nakasama ko sa 45 years ko sa trabahong ito. Miss na miss kita, anak. Ang wish ko talaga ay makatrabaho ka ulit kasi bihira ang katulad mong nag-aalaga sa amin nang ganyan. Hindi lang katrabaho ang inaasikaso mo sa amin kung hindi pati kami ay alaga mo. Ang hirap pantayan ng experience ko sa show natin,” emosyonal na pahayag ng Megastar.

Madalas daw na kasama sa ipinagdarasal ni Sharon si Coco dahil sa mga delikadong eksenang ginagawa ng aktor. “Mahal na mahal kita, anak. Mag-iingat ka lagi dahil delikado ang mga ginagawa mong eksena. Tuwing naaalala kita, ipinagdarasal kita. Saka gusto ko lagi kang masaya, miss na miss kita anak at ang pamilyang ginawa mo. Salamat at pinili mo akong maging parte ng Ang Probinsyano. Sana magkasama pa tayo muli,” pagtatapos ng aktres.

Ronnie, nabiktim ang impostor!

Kamakailan ay dalawang beses nabiktima si Ronnie Liang ng mga impostor sa social media.

Ginagamit umano ng mga manloloko ang pangalan at larawan ng singer upang makahingi ng pera sa mga tagahanga at netizens. Hiningan namin ng pahayag si Ronnie tungkol sa magkasunod na insidente. “Matagal na ako nakaka-receive ng mga complains or reports about it from some individual pero di ko pinansin. Kasi akala ko hindi seryoso, but this time masyadong marami nang nabiktimang mga fans. Nag-send daw ng money sa mga e-wallets nila, nag-timing sila ng charity works. Nagso-solicit daw and I never do that. Extremely scammers sila. They’re like syndicates, very professional. They can make ID’s with my face on them, but some are different names. Nanliligaw sila ng mga babae and fans hanggang makahingi ng money and maka-invite for meet-ups,” pagdedetalye ni Ronnie.

Mayroong mensahe ang singer para sa lahat upang hindi maloko ng mga sindikatong gumagawa ng kasamaan na gamit ang social media. “Mag-ingat po, mag-observe at maging vigilant. I only have one official Instagram, Facebook, Twitter & TikTok account with a blue check as a verified account. If you receive private messages from different impostors’ social media accounts, please do not entertain them. Please help me to report and block them para wala na po iba pang mabibiktima. Sa impostors, magbago na kayo,” giit niya.

Samantala, bukod sa kanyang singing at acting career ay patuloy pa rin ang pagsisilbi ni Ronnie sa mga kababayan bilang isang Army Reservist. Nagpupursige rin ang singer upang maging isang ganap na Piloto. “Pursuing my dreams of becoming a commercial pilot, completing the flying hours needed to be eligible for the commercial Pilot license (CPL), doing army duties as a reservist especially during disasters and humanitarian missions, helping our less fortunate kababayans, especially the cleft patients and cancer-stricken kids for Ronnie Liang Project Ngiti, doing some films too. I have a cameo role for the Spellbound movie with Bela Padilla and Marco Gumabao showing on Feb. 1. Recording new songs and releasing them monthly on all digital platforms worldwide under RL (Ronnie Liang) Music, helping other singers who wish their songs to be released under my platform to show and share their talent worldwide,” pagbabahagi ng singer. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with