^

PSN Showbiz

Parehong umiinom ng gluta... David, walang planong landiin si Barbie sa totoong buhay!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Parehong umiinom ng gluta... David, walang planong landiin si Barbie sa totoong buhay!
David, Barbie at Ishin owner

Dahil sa massive success ng tandem nina Barbie Forteza at David Licauco sa Kapuso serye na Maria Clara at Ibarra na mas nakilalang FiLay, may endorsement na sila.

Sila nga ang kauna-unahang celebrity endorsers ng isa sa pinakamabentang whitening product sa kasalukuyan, ang Ishin Glutathione na pag-aari ng young entrepreneurs na sina Mario Miguel (anak ng kilalang entertainment columnist and reviewer na si tito Mario Bautista) and Shirleen Bautista.

At ipinakilala sila officially sa entertainment press bilang Face of Ishin kasabay ng contract signing nila sa nasabing kumpanya.

Swak sina Barbie at David sa nasabing produkto dahil sa features nilang mala-Japanese and Korean.

Kaya maging ang mag-asawang Bautista ay aminadong kahit sila ay kinikilig sa dalawa. “We saw them with our products in their social media accounts and we are happy to note that they are using Ishin,” says Mario Miguel. “This is the first time we are getting celebrity endorsers for our product and we’re excited that Barbie and David are joining our team.”

“There is no doubt that the FiLay love team is the most popular on-screen tandem today as their characters, Klay and Fidel, are both loved by the show’s avid viewers,” says Shirleen.

Na actually, kahit ang ibang fans ay nagdududa na baka nga tuluyang mawala sa eksena si Jak Roberto at sila na talaga ang magkatuluyan ni David sa totoong buhay.

Pero mabilis ang sagot ni Barbie na hindi pwedeng mangyari ‘yun dahil iba naman ang trabaho sa totoong buhay. “Kahit grabe, napaka-unexpected ng success ng FiLay, hindi ko naman para kalimutan ‘yung lalaki na nagpasaya sa akin for the past five years and still counting, ‘yung lalaking kasama ko nu’ng pandemic, nasasabihan ko ng personal struggles ko and all, the one whom I share my victories and struggle with.

“Kumbaga, in-accept niya ako ng buong-buo at ganu’n din ako sa kanya. Hindi ko naman ‘yung kakalimutan just because of FiLay.

“But then again, I’m so grateful for the success, for this blessing that I share with David now and we’re very good friends and I’m proud to say that,” paniniguro ni Barbie.

Sinabi naman ni David na malaki ang respeto niya kay Jak at never daw niyang naisip na agawin si Barbie rito o landiin ang aktres. “Sa simula pa lang, lagi kong sinasabi kay Barbie na napakabait na tao ni Jak. Nakatrabaho ko siya sa Heaftful Café dati, and nakita ko na genuine siyang tao and masipag siya and pinaghirapan niya kung nasan siya ngayon.

“Kaya I admire Jak as a person. Ako siyempre, respeto lang din, ‘di ba? Parang wala naman akong gagawin na alam mo ‘yun, parang lalandiin ko si Barbie. Wala naman akong gagawing ganu’n kasi siyempre, alam ko ‘yung boundaries ko as a person.

“Hindi naman ako ‘yung type ng guy na kung may boyfriend ‘yung babae, eh, lalandiin ko or magta-try akong mag-make ng move. I was never like that,” mahabang paliwanag ng actor na isa na ring negosyante pero nanatiling single.

Samantala, mabilis ang naging success ng Ishin. Taong 2020 lang ito nang simulan ng mag-asawang Miguel (MM) at Shirleen.

Pero nakilala kaagad dahil P350 lang ang halaga ng bawat bottle ng gluta na may 60 tablets na ngayon ay iniinom na nina David at Barbie. Made in Japan ang mga tableta kaya mabenta.

Nagtuluy-tuloy ito at dumami ang kanilang sellers and resellers.

Available ang mga Ishin products sa distributors na makikita sa kanilang website.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with