^

PSN Showbiz

Daniel, gusto ulit mag-perform na may live audience

SHOWBIZ NEW NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, gusto ulit mag-perform na may live audience
Daniel Padilla

Bago magtapos ang 2022 ay nagwakas na rin ang seryeng huling pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makagawa ng magkasintahan ng isang bagong proyekto para sa kanilang mga tagahanga.

Bukod sa acting project ay gusto ngayon ni Daniel na makapagtanghal muli sa harap ng live audience lalo pa’t nanumbalik na sa normal ang entertainment industry.

Samantala, kapag walang trabaho ay sinisikap umano ni Kathryn na palaging makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Bailey, iniwan na ang now...

Taong 2017 nang mapabilang si Bailey May sa global pop group na Now United. Pagkalipas ng limang taon ay nagpasya ang singer-actor na magsolo nang muli.

Matatandaang nagsimula si Bailey bilang housemate ng Pinoy Big Brother: 737 noong 2015. Kamakailan ay nailunsad ang music video ng Odo na magsisilbing huling proyekto na ni Bailey na kasama ang buong grupo ng Now United. “This is like my last goodbye. Kasi gusto ko mag-pursue ng solo. Limang taon ako kasama sila, so pwede na ako. I want to go solo,” pagtatapat ni Bailey.

Sa edad na 20 taong gulang ay marami pang pinapangarap na gawin ang binata para sa kanyang karera. “I feel like, at different points of your life, you have dreams and aspirations. And when you reach them, you have new ones. I am at that point na. I have new dreams na gusto kong abutin,” makahulugang pahayag niya.

Ngayon ay kasintahan ni Bailey ang British make-up artist na si Alice Lines. Magtatatlong taon nang magkarelasyon ang dalawa.

Ayon sa dalaga ay talagang minahal niya si Bailey dahil sa pagiging mabait nito. “He is very kind. That’s my favorite, that he’s really kind. He used to buy me flowers all the time and I really like that,” maikling pahayag ni Alice.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with