^

PSN Showbiz

Bong, malambot ang puso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, malambot ang puso
Bong Revilla

Natatawa ako kung minsan ‘pag may mga tao na nagsasalita ng mga bagay na hindi maganda against Sen. Bong Revilla. Iyon bang parang kay Bong ang responsibilidad ng mga hindi nangyaring mabuti sa buhay nila.

Totoo na isang senador si Bong na may kakayahang tumulong, pero hindi naman siguro buong bansa responsibilidad niya. ‘Yung marami siyang natulungan, pero aminado na marami rin siguro na hindi nakatikim ng tulong niya.

Imposible na lahat mapagbigyan niya. Kahit presidente hindi kayang gawin iyon. Lahat pinipilit niyang magawan ng paraan. Lahat gusto niyang ayusin. Pero hindi niya magagawa kung mag-isa lang siya.

Hindi siya ang dapat inaasahang gumawa.

Isa na siguro si Bong sa pinakamabait at trustworthy na tao na nakilala ko. Isa na siya sa merong malambot na puso pagdating sa pagtulong. Kaya alam ko na kung puwede niyang gawin para makatulong gagawin niya.

Kaya naman kahit ano pa ang pasukin niya nagtatagumpay siya, dahil nga malinis ang puso niya, mabuti ang kalooban niya.

Paolo, nabuko ni Boy

Naku, talagang nabigla ang lahat dahil nga hindi nila akalain na magiging malakas ang tanggap ng viewers sa Luv Is: Caught in His Arms.

Parang isang Barbie Forteza ang tingin nila sa bidang babae ng serye na si Sofia Pablo. At in fairness, cute na cute siya. Talagang hanga ang marami sa kakikayan niya at talagang naging instant idol siya ng mga kabataan.

Ako naman, laging nakaabang sa Fast Talk ni Boy Abunda. Talagang addict ako bigla sa kanyang programa na very revealing talaga ang mga sagot ng kanyang bisita. Bongga nga dahil pigang-piga si Paolo Contis sa mga tanong ni Boy kaya ang daming nabuko tungkol sa kanya, hah hah hah.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with