^

PSN Showbiz

Darna, tsinugi sa Indonesia!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Darna, tsinugi sa Indonesia!
Jane De Leon

Hindi tinatantanan ng isyu at problema ang Darna ni Jane de Leon.

Ang nasagap namin, kahapon lang na-tape ang finale episode, pero wala kaming ideya kung may nakuha na ba silang dating nag-Darna na may mahalagang eksenang gagawin.

Kamakailan lang ay pinag-usapan sa social media na kinansela na ng ANTV station sa Indonesia ang pagpapalabas ng Mars Ravelo’s Darna.

Ang isa raw sa dahilan ay may mga eksena raw na salungat o hindi raw angkop sa kultura ng most-populous Muslim-majority country.

Nilinaw ito ng ABS-CBN International Sales Division. Ang sabi sa ipinadalang statement: “Indonesia recently stopped analog TV broadcasting and shifted to digital TV broadcasting.

“ANTV determined that it would be better for viewers to enjoy ‘Darna’ once the transition to digital TV broadcasting has been completed.

“New airing details will be announced soon.”

Napaiyak sa interview ni Boy Abunda, Paolo umamin sa lahat-lahat

Pinutakti na naman ng matinding bashing si Paolo Contis, mula naman sa fans ni Kathryn Bernardo.

Nag-react sila sa isang bahagi ng interview ni Paolo kay Alden Richards sa online show nitong Just In sa YouTube ng Sparkle.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa pelikulang Hello, Love, Goodbye ni Alden na isa sa milestones ng showbiz career ng Asia’s Multimedia Star.

Ang dating kasi sa fans sa sinabi ni Paolo na ang biggest hit na pelikulang ito ay credited lang kay Alden.

Sabi ni Paolo, mas mabuting panoorin na lang daw namin ang interbyung ‘yun.

Marami silang pinag-usapan at isa na nga rito itong pinakamalakas na pelikula ng bansa, itong Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden. Sabi ni Paolo: “Hello, Love, Goodbye. Pinakamala­king pelikula lang naman sa Pilipinas. Sisiw! Sisiw! Wala lang! Yung number one movie ng Star Cinema at ng ABS-CBN, taga-GMA ‘yung artista!”

“Sarap!,” pakli ni Alden.

Pero may sinabi pa si Paolo na: “Of course, you have Kathryn, who’s the biggest star of ABS-CBN. But you are also the biggest star of GMA.”

Dinagdagan pa ni Paolo na malaking risk itong gagawin nilang, first time na gagawa si Kathryn na hindi kasama si Daniel Padilla, at si Alden naman na wala si Maine Mendoza.

Pinag-usapan nila kung gaano kaistrikto na direktor si Cathy Garcia-Molina, at ibinahagi ni Alden na silang dalawa lang ni Lovely Abella ang taga-GMA, pero never daw nila naramdaman na iba sila na nagtatrabaho sa isang produksyon ng ABS-CBN.

Kung ano ang trato kina Kathryn at ibang taga-ABS CBN ay ganun din daw sa kanya. Wala raw ipinagkaiba.

Sa kanilang pag-uusap ay hindi naman ipinagyabang na kaya nag-hit dahil kay Alden. Pero iba ang interpretasyon ng fans ni Kathryn sa pag-uusap nina Paolo at Alden.

Hindi na apektado si Paolo sa mga sinasabi ng bashers laban sa kanya. Sabi pa ng Kapuso aktor: “The more you bash, the more you earn!”

Natatawa si Alden na umayon sa sinabi ni Paolo. “Akala n’yo ba may nagagawa sa amin ang pang-aalipusta n’yo? Bina-bash n’yo kami, kakain kami.

“Meron nga nagsabi sa akin, paano ka nakakatulog sa gabi sa kahayupan mo? Ay maganda kasi kumot ko, unan ko. Ikaw, malamang sa papag ka natutulog. Ganun lang kasimple ‘yun!”

Kahapon sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinakita nila ang kabuuan ng bahagi ng interview na ‘yun sa YouTube para malinaw.

Maganda ang interview ni Kuya Boy kay Paolo kahapon. Naurirat niya ang lahat na isyung kinasangkutan ng Kapuso actor. Napaiyak na ito.

Mahaba ang interview, kaya ginawa na nila itong two parts.

vuukle comment

DARNA

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with