^

PSN Showbiz

Alden, naniniwala sa tamang panahon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, naniniwala sa tamang panahon!
Alden Richards at Julie Anne San Jose

Talagang na-excite ang marami sa pag-amin ni Alden Richards sa mga babae na naging interested siya. Sina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose pala ang mga babaeng muntik nang maging steady ni Alden.

Pero tama siya, siguro lahat nasa tamang panahon at oras. Kung sa ngayon ayaw pa niya ng commitment, so be it, hindi kailangang magmadali. Hindi maganda na dahil sa pressure mapilitang magkaroon ng GF si Alden. Kung kailan niya gusto, at kung sino ang talaga niyang mahal, iyon ang dapat lang maging parte ng buhay niya.

Tama lang si Alden, hindi dapat magmadali, hindi dapat gawin dahil lang sa gusto ng marami. Kung sino ang tunay niyang mahal, sino ang talagang gusto niya, iyon lang. Basta para sa akin, napakasuwerte kung sinuman ang mamahalin ni Alden.

Siya na siguro ang pinaka-lucky girl sa buong mundo. Dahil napakabait ni Alden at tiyak na parang prinsesa ang magiging buhay ng sinumang babae na mamahalin niya.

Hay naku, maghintay sila dahil sa career pa naka-focus ang mga mata ni Alden. Matagal pa bago nito harapin ang lovelife at commitment.

For a while, enjoy muna siya sa pagiging single and available, kaya hintayin natin sino ang magiging very lucky girl.

Magpayaman muna siya at asikasuhin ang mga negosyo na mas tamang gawin.

Saka siguro, kapalaran na ang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang mga nangyari noon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with