^

PSN Showbiz

Magkarelasyong young couple, normal na ang awayan at sakitan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Matindi pala kung mag-away itong young couple na ito.

Ayon sa nagparating ng kuwento sa amin, napapadalas daw ang away ng young showbiz couple pero ang ending ay nagkakaayos din naman sila.

Kaya lang nitong mga huling away raw nila ay may pisikalan na. Nagkakasakitan na raw sila. Kaya lang si girl daw ang madalas na nananakit, at palibahasa mabait itong si aktor, hinahayaan na lang niya.

Ayaw ng pelikulang Latay! Pero hindi naman battered husband si aktor. Lumalaban naman siya, pero siyempre mas matindi raw kung manakit si girl.

Hindi na raw apektado ang ilang taong malapit sa kanila dahil nakasanayan na  raw nila ang bangayan ng magkarelasyon.

Okay naman daw sila ngayon, pero parang normal na at bahagi na ng relasyon nila ang matinding awayan.

Ang latest na nababalitaan namin, nagpapatayo na sila ng bahay somewhere in Quezon City.

Iza, inaming may hiwaga ang Baby Bunbun nila ni Ben

Malapit na ang schedule nang panganganak ni Iza Calzado-Wintle at excited na silang mag-asawa. At isa sa sisimulang gawin ngayon ni Iza ay magso-social media break daw muna siya.

Gusto raw muna niyang namnamin ang nalalapit pagsilang ng Baby Bunbun nila, na isang girl.

Kung Baby Peanut ang tawag nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang first baby, si Baby Bunbun naman ang kina Iza at Ben.

Nakatsikahan ni Iza ang manager niyang si Noel Ferrer at ibinahagi naman niya ito sa amin. Kuwento ni Iza, nabuo raw nila si Baby Bunbun nung panahon ng eleksyon, kaya inaasahan nilang maging makabayan at mabuting mamamayan daw ang kanilang anak.

Ang nakakatuwa lang, ramdam na ramdam daw nila ang pagmamahal ng mga malalapit nilang kaibigan at excitement sa pagdating ng kanilang magiging anak. “Ang saya lang kasi since my birthday when I revealed that Ben and I are having our baby, we experience an outpouring of love amongst family and friends and even acquaintances and people in general,” saad ni Iza.

“This baby went through a lot of challenges, pero malakas siya at determinadong maging parte ng aming buhay, kaya malaki ang pasalamat ko sa kanya.

“Akala niyo lang madali ang pinagdaanan namin sa baby na ito, pero this made us love her and each other more! Ewan ko ba, naging iyakin at emotional ako dahil basta, iba itong batang ito. Isa siyang biyaya sa amin. Isa rin siyang hiwaga. Ang bait lang din ng Diyos talaga,” dagdag na pahayag ng premyadong aktres.

Alden at Julie Anne, pitong taong nagdedmahan

Medyo bumaba ang rating ng Fast Talk With Boy Abunda nung nakaraang Martes na kung saan ay si Buboy Villar ang isinalang sa Fast Talk at may exclusive interview ang King of Talk sa mag-asawang Glaiza de Castro at David Rainey.

Pero nung Miyerkules, Jan. 25, ay tumaas uli ang rating nang isinalang si Alden Richards sa Fast Talk.

Matinding rebelasyon ang isiniwalat ng aktor na kung saan ay inamin niyang muntikan na niyang maging girlfriend sina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose.

Nag-sorry siya kay Julie Anne, dahil sa tila iniwan niya sa ere ang singer/actress nung panahong ‘yun. Pitong taon daw silang hindi nag-uusap, pero nagkaroon siya ng pagkakataong nakausap ito at nakapag-sorry siya.

Okay na raw sila ngayon, at naging mabuting magkaibigan.

Ang episode na ‘yun ay nakapagtala ng 7.3 percent. Kahapon ay si Bea Alonzo ang isinalang. Sana tumaas naman itong guesting niya sa naturang showbiz-oriented talk show.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with