^

PSN Showbiz

Richard, pahinga sa taping!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, pahinga sa taping!
Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Ikaw ba, Ateng Salve, mas nai-inspire mag-exercise kapag may kasabay? Nang ka-text ko kasi kahapon ng umaga si Sarah Lahbati, hindi siya nakakasagot agad dahil nag-e-exercise raw siya kasabay ng love of his life na si Richard Gutierrez. “Working out with Chard now,” sey ni Sarah.

Nagagawang makapag-workout together nina Sarah at Richard ngayon dahil taping break muna sa The Iron Heart ng ABS-CBN ang aktor.

Kuwento nga ni Sarah, hanggang Jan. 30 sila magkasama ng kanyang mister at ng mga anak na sina Zion at Kai. Bonding-bonding sila simula pa ng mister sa location taping nila sa Cebu.

Naikuwento rin sa akin ni Sarah na babalik siya sa Japan, pero kung noong Christmas break nila ay more than a week sila sa Tokyo, sa Niseko naman daw ang punta nila at isang linggo sila roon next month.

Hindi nabanggit ni Sarah na kasama si Richard, pero “kami” ‘yung text niya so I guess, buong mag-anak sila sa trip na ‘yon.

Ang dami ring mga artistang nagpupunta ngayon sa Japan, lalo na sa Niseko. Eh, si Sylvia Sanchez, papunta rin ng Niseko sa first week of February. Ang kuwento sa akin ni Gorgy Rula, kasama rin sa trip na ‘yon si Lorna Tolentino.

Naku, Ateng Salve, since hindi ka naman kasama sa Tokyo next week, go kaya tayo sa Niseko naman?

Anyway, going back to Sarah and Richard, ‘katuwa rin naman na kapag walang taping ang aktor ay nagagawa nilang makapag-bonding na mag-anak.

Teka! Sasama rin ba sa trip na ‘yon ang parents ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama dahil kumuha rin sila ng Japan visa, huh!

Polo, pasok sa serye ni Carlo

Gumawa ng group chat ang manager ni Polo Ravales na si Tyrone Escalante nang magpaalam kami sa kanya na dadalaw sa shooting ng aktor sa Tokyo. In fairness, ang bilis sumagot ni Polo.

Sabi niya, si Carlo Aquino raw ang bida sa series na ‘yon at sa part two talaga siya kasama, pero may scenes na raw siya sa part one.

Ang bongga pala ng Japan project na ‘yon ni Carlo at series pala at mahaba, huh!

JANINE, NAPURI 

Naku, Ateng Salve, I’m happy for Janine Gutierrez dahil ang ganda ng feedback sa new teleserye niya sa ABS-CBN, ang Dirty Linen.

Ang galing nga raw ni Janine sa series na ‘yon, kaya I’m sure, proud na proud sa kanya ang parents niyang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Oo nga pala, maganda na friends na uli ngayon sina Lotlot at Monching dahil nagagawa na nilang magsama sa ilang showbiz projects.

Very soon nga, may magsisimula silang teleserye sa GMA 7. So nice...

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with