Heart, inaming investment lang ang apartment sa Paris!
Klinaro ni Heart Evangelista na hindi naman siya magma-migrate sa Paris katulad sa inaakala ng iba matapos siyang bumili ng apartment doon.
Sa interview ng gma.com, sinabi nitong “I just really like to invest on properties. I’m always there so, imbes na mag-hotel, at least meron akong sariling lugar,” paliwanag ni Heart sa nasabing interview.
Pero ang isang aminado si Heart ay marami raw siyang nadiskubre sa sarili nang tumira sa Paris.
“Grocery, cooking, lahat. Late bloomer? Kahit nahihirapan kang maglaba, maganda naman ‘yung background, nakagagaan ng feeling,” banggit niya.
Kilalang ipinanganak si Heart kumbaga with a silver spoon in her mouth kaya naman hindi niya naranasan ang mga ordinaryong gawain sa bahay at maging sa paghahawak diumano ng sariling pera.
Ang sabi ay babalik din agad siya ng Paris pagkatapos ng mga commitment dito sa bansa kasama na ang mga bagong endorsement.
Sunud-sunod ang mga lakad niya sa Europe dahil talagang big time na siya roon.
Hindi na siya actually mahahabol ng ibang local artist na trying their best para magkaroon ng espasyo sa international fashion scene.
Anyway, wala pa rin silang sinasabi ni Sen. Chiz Escudero kung ano ba talagang setup nila sa kasalukuyan.
Sa kanilang bahay pa rin daw nila ni Sen. Chiz nakikitang umuuwi si Heart ‘pag andito sa bansa pero wala pa ring masabi ang mga malalapit sa kanila.
- Latest