^

PSN Showbiz

Ka Tunying, tambak ang trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ka Tunying, tambak ang trabaho
Ka Tunying at Roselle

Grabe tuwing Tuesday talaga ay kinukuha ni Gorgy Rula ang supply ko na champorado at sopas kina Anthony at Rosel Ta­berna. Iyon kasi ang comfort food ko tuwing dialysis day ko. Kasi nga parang craving ko na ‘pag nagda-dialysis ako lumalakas ako ‘pag kumain ako ng champorado at sopas ng Ka Tunying Cafe ha.

Talagang bongga na ang bait nina Ka Tunying at Roselle na ibinigay na nilang rasyon para sa akin ng champorado at sopas. Hindi bale ‘pag nagsawa na ako pa-stop ko na, hah hah, kahiya kay Ka Tunying noh, ang sipag pa naman dahil dami niyang trabaho sa AllTV.

Totoong mabait ang mag-asawang Taberna kaya naman marami silang blessings sa buhay.

‘Shocked at touched ako!’

Kaloka ayoko ko nang maging close sa classmates ko sa dialysis dahil panay  kuwentuhan at hindi na tuloy ako nakakapag-concentrate sa kolum ko. ‘Yung panay ang tanong sa mga latest sa artista at kung anu-ano pa.

Naku, kaya tuloy gusto ko na ‘yung suplada school of acting dahil at least hindi ako malalapitan, pero dahil mababait naman sila at shocked ako na meron pa silang regalo nsa akin, talagang touched naman ako.

Hay naku, ito sinasabi ko, ‘pag may sakit ka, maloloka ka talaga sa mga pangyayari dahil kahit ayaw mo, talagang wala kang magagawa. Ewan ko ba, parang ngayon yata binigay sa akin mga bagay na ayoko ko, para magdusa ako.

Hahaha.

Kaloka.

Hay naku, Salve, ibigay mo na ang regalo nating Hermes necktie kay Big Boss Papa Miguel Belmonte para magamit niya ngayong Christmas season. Bongga, ‘di bah, harbat tayo ulit kay Ronite, hah hah hah.

vuukle comment

KA TUNYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with