^

PSN Showbiz

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad na 29-anyos

James Relativo - Philstar.com
Jovit Baldivino pumanaw na sa edad na 29-anyos
Kuha kay Jovit Baldivino habang nagtatanghal
Mula sa Instagram ni Jovit Baldivino

MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang "Pilipinas Got Talent" Season 1 grand winner at singer na si Jovit Baldivino matapos isugod sa ospital, ayon sa kanyang pamilya.

Ang balita ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Gil Baldivino sa ANC, Biyernes.

Kanina lang nang kumpirmahin sa Brigada News ng pamunuan ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City na namatay na ang singer bandang 4 a.m. kanina.

"Anong sama ng Pasko mo [sa amin]," wika ng kanyang misis na si Camille Ann Miguel sa kanyang Facebook post.

"Asawa ko[!}"

 

 

 

 

Una nang nag-react nang negatibo si Camille matapos kumalat ang balitang "nag-collapse" ang kanyang mister sa isang party.

Aniya, nawa'y tiyakin muna sana ng publiko kung tama ang kanilang pinapaskil. Mas kailangan daw nila ang dasal kaysa mga maling impormasyon.

Huling lumabas si Jovit sa telebisyon noong nakaraang Lunes matapos mag-guest sa game show na "Family Feud Philippines" sa GMA-7.

 

JOVIT BALDIVINO

PILIPINAS GOT TALENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with