^

PSN Showbiz

Sarah at Anne, binalikan ang ASAP

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Anne, binalikan ang ASAP
Sarah Geronimo

Hindi lang ang pagbabalik ni Sarah Geronimo ang aabangan ng fans sa episode ng ASAP Natin ‘To! ng ABS-CBN.

May special appearance rin si Anne Curtis sa Sunday musical show ng Kapamilya Network.

Kung si Sarah ay nag-taping noong Tuesday, si Anne ay noong Monday naman.

May showdown daw si Anne kay Regine Velasquez-Alcasid. At hindi raw nagpatalbog sa biritan sa misis ni Ogie Alcasid ang misis ni Erwan Heussaff. Talagang birit daw kung birit si Anne.

Wow, so bongga!

In fairness naman kasi kay Anne, talagang wala siyang takot sa   sa biritan ‘noh?!

Teka! Hindi kaya natakot si Regine sa showdown nila ni Anne?! Hahaha!

Meryll, nakuha na rin ni Maja

Si Meryll Soriano ang ni-launch kahapon bilang bagong talent ng Crown Artist ­Management, Inc. na pinamamahalaan ni Maja Salvador.

Nagkasama sa Iron Heart sina Maja at Meryll at naging malapit sila at nauwi na nga sa pagma-manage ng una sa huli.

Nag-meeting daw muna sila at nagkasundo sila sa gusto ng isa’t isa.

Birthday ngayon ni Meryll at 40 years old na siya at isang malaking bagay raw sa kanya ang pagpirma ng kontrata sa Crown…

Bongga!

Samantala, hinanap ng entertainment press kay Maja ang fiancé niyang si Rambo Nuñez.

Wala si Rambo sa event na ‘yon dahil kasama nito ang kanyang pamilya sa Bangkok, Thailand.

Actually, family bonding ang ipinunta ni Rambo sa Bangkok. Naikuwento rin sa amin ng nanay ng fiancé ni Maja, si Marilen Nuñez na pre-Christmas vacation nila ‘yon.

May mga nagduda na akala ay trabaho ang ipinunta nila sa Bangkok dahil may video na kasama ni Rambo sa airport lounge si Rambo kasama si Kathryn Bernardo.

Pero sabi nga ni Maja, nagkataon lang daw ‘yon. Nagkasabay lang daw papunta sa Bangkok sina Rambo at Kathryn.

Ang bongga lang.

Daniel naghatid hanggang airport kay Kathryn

Speaking of pag-alis ni Kathryn pa-Bangkok, in fairness, naghatid sa kanyang girlfriend si Daniel Padilla.

Nakatsinelas nga lang si Daniel nang maghatid kay Kathryn.

Marami ang kinilig sa ginawang ‹yon ng aktor.

At least, kitang-kita na sweet ang KathNiel, huh!

Yun na!

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with