^

PSN Showbiz

Isa pang anak ni Jeric Raval na galing Japan, tatapatan si AJ!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Isa pang anak ni Jeric Raval na galing Japan, tatapatan si AJ!
Noriko
STAR/ File

5 ang anak na 22 years old...

Ahh may anak pala si Jeric Raval sa isang Pinay na matagal nang nakatira sa Japan, si Noriko Raval.

Twenty two years old si Noriko at nagbabalak ding mag-showbiz.

Isang influencer sa Japan si Noriko at ang mother niya ay nagta-trabaho sa airport.

Nagtapos siya ng fashion design sa Japan at dumating siya sa Pilipinas a week ago.

Ito ang ika-third visit niya sa Pilipinas.

Tulad ni AJ Raval, sexy si Noriko na mas fluent sa Japanese. Though nakakapag-Tagalog pero hirap pa sa English.

At pleasant ang personality at papasa talagang artista.

Actually, kumbaga mas ‘fresh’ si Noriko at super sexy.

And she’s willing na tularan si AJ. Pero given a chance, gusto niyang mag-action like her father na mas kilalang action  star.

May 18 na anak si Jeric.

Nagkakilala na sila ni AJ matapos ang dinner get-together na pinatawag ng aktor para sa kanyang mga anak.

Walang binanggit si Jeric kung ilang anak niya ang present sa nasabing get-together pero ang isa sa rebelasyon niya, 5 ang anak niya na 22-years old sa limang iba’t ibang babae.

Pero ang bottomline, sinabi niyang masama palang maging womanizer pagkatapos niyang magkaroon ng ganun karaming anak. “Kaya meron akong 5 limang anak na sabay-sabay na 22 years,” banggit ng aktor.

Nang tanungin siya kung lie low na ba siya pambababae, “medyo” ang sagot niya.

Anyway, si Jeric ang napiling gumanap sa buhay ni Marc Mamay Mayor of Nunungan, Lanao del Norte/LMP National Vice President, para sa filmbio ng pulitiko na may pamagat na Lanao.

vuukle comment

JERIC RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with