^

PSN Showbiz

Thai BL series na Never Let Me Go, may aksyon at kilig

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Thai BL series na Never Let Me Go, may aksyon at kilig

Umaapaw na aksyon at kilig ang hatid ng pinakabagong Thai boys’ love (BL) series na Never Let Me Go, na mapapanood nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC sa Disyembre 13 ng 9:30 PM (Manila time) kasabay ng airing nito sa Thailand.

Tampok sa romantic action drama ang tambalan ng Thai stars na sina Naravit Lertratkosum at Phuwin Tangsakyuen. Ipapalabas ang bagong episodes kada Martes sa original Thai language, habang available naman ang Filipino-dubbed episodes kada Biyernes ng 8:30 PM (Manila time) simula Disyembre 23.

Susundan ng Never Let Me Go ang komplikadong buhay at samahan ni Neungdiao (Phuwin) kay Palm (Naravit), ang gwapo niyang bodyguard na unti-unting magpapatibok ng kanyang puso.

Galing sa isang mayaman na pamilya si Neungdiao dahil sa kanyang tatay na nagmamay-ari ng maraming negosyo. Ngunit isang trahedya ang sasapit sa kanilang pamilya nang patayin ang tatay ni Neungdiao.

Dahil dito, mabubulgar ang sikretong mga negosyo ng kanya ama, na hindi alam nina Neungdiao at nanay nitong si Tanya (Rasee Watcharapolme), dahil isa pala siyang lider ng mafia ng mga iligal na casino at drug trafficking ring.

Sa kabila ng pambu-bully kay Neungdiao sa eskwelahan dahil sa masamang reputasyon ng kanyang ama, mapipilitan si Tanya na ituloy ang mga iligal na negosyo ng kanyang asawa. Malalagay naman sa panganib ang kanilang buhay dahil sa kanilang mga kasosyo, kabilang dito si Supakit (Nat Sakdatorn), ang tito ni Neungdiao na gustong makialam sa kanilang negosyo.

Para protektahan ang kanilang pamilya, kukunin nila bilang bodyguard ni Neungdiao si Palm, ang anak ng matagal nang katiwala ng ama ni Neungdiao. Mangangako si Palm na gagawin niya ang lahat upang protektahan si Neungdiao sa kanilang mga kalaban at unti-unti na ring mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.

Hanggang saan ang kayang isakripisyo nina Neungdiao at Palm para sa isa’t isa kapag parati na lang nasa panganib ang kanilang buhay kapag magkasama sila?

BL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with