^

PSN Showbiz

Kim, ‘di nakakaramdam ng pagod sa dami ng trabaho

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, âdi nakakaramdam ng pagod sa dami ng trabaho
Kim
STAR/ File

Isa si Kim Chiu sa mga artista na may pinakamaraming proyektong ginagawa sa bakuran ng ABS-CBN.

Bukod sa ASAP Natin ‘To at It’s Showtime ay napapanood din ang aktres bilang host ng Dream Maker. Sa susunod na taon naman ay mapapanood si Kim sa teleseryeng Linlang.

Hindi raw nakararamdam ng pagod ang dalaga kahit na kabi-kabila ang kanyang mga ginagawa. “Kapag naman gusto mo ‘yung ginagawa mo, hindi naman siya mukhang nakakapagod talaga eh. Basta alam mo lang balansehin sa sarili mo kung ano ‘yung priorities mo. Parang sinusulat ko sa notes ko kung ano ‘yung mga una kong gagawin. Nagagawa ko naman lahat, personal work, workout, love life. Sobra lang akong nagpapasalamat ngayon especially sa ABS-CBN sa mga projects na binibigay nila sa akin,” paglalahad ni Kim.

Matatandaang nagsimulang makilala ang dalaga bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Bilang host ngayon ng bagong reality search ay talagang nakare-relate umano si Kim sa mga kwento at pinagdadaanan ng mga contestant. “That also helped with how we see the Dream Chasers dahil galing din kami sa reality show na hindi naman kanya or pagsayaw ‘yung main reason kung bakit kami sumali do’n. Pero part of it is we also have a dream. A dream to be seen on TV, a dream to fulfill the needs of our family. Meron kaming gustong maabot na pangarap and nakikita namin ‘yon sa Dream Chasers na sumasali ngayon na talagang nagpupursigi,” paliwanag ng aktres.

Masarap umano sa pakiramdam ni Kim na nakatutulong siya sa kanilang contestants sa programa.

Isang malaking karangalan para sa aktres na naging bahagi siya ng mga bagong kikilalaning Pop Group hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo. “’Yung iba nagtatanong din ng advice so magbibigay din kami. Nakakatuwa lang na ang dami-daming talented na Pinoy and given this big platform na ginawa ng Dream Maker na ilo-launch sila sa Korea. So nakakatuwa na makita mo how they grow or kung paano sila nagsimula dito sa stage ng Dream Maker and then ilo-launch sila sa napakalaking stage sa Korea,” pagbabahagi ng dalaga.

Dominic, kapamilya pa rin

Kahit nakagagawa ng mga proyekto sa ibang TV network ay nananatili pa rin si Dominic Ochoa sa pangangalaga ng Star Magic. Taong 1996 nang magsimula ang aktor sa naturang talent management arm ng ABS-CBN. “It’s something that I really never imagined. It’s something that was not in my dictionary to do. Hindi ko na-imagine na mag-aartista ako. In fact, nagalit pa ang tatay ko no’ng nalaman na nag-artista ako. But it’s something that I love to do. It’s something that I would cherish na hanggang mawala ako ay nandito pa rin ako. And I told myself hangga’t nandito ang Star Magic, I would still be here,” nakangiting pahayag ni Dominic.

Ngayong taon ay napanood ang aktor sa ilang programa ng GMA 7. Iginiit naman ni Dominic na talagang mananatili siyang isang Kapamilya. “I started as a Kapamilya, I will end as a Kapamilya. I know I have a show, they borrowed, they allowed. I am thankful but I will still be a Kapamilya,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with