^

PSN Showbiz

Angelica, nagreklamo sa customs

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica, nagreklamo sa customs
Angelica Panganiban

Naghahanap kahapon ng konek sa Bureau of Customs si Angelica Panganiban.

Mas mahal pa kasi ang sinisingil ng Customs kesa sa presyo nang binili niyang swimsuit.

Tweet niya : “Hmmm… pano ma contact ang customs? May binili akong swimsuit, 7k yung amount. Pero pinapabayaran ako ng 8,211 pagka deliver sa akin “naloka po me.”

Marami naman agad nag-replay sa nasabing tweet ng bagong inang actress, na nakaka-relate raw sila kay Angelica.

In all fairness, nag-reply din ang BOC sa Twitter : “Good day, ­Angelica. We will look into this matter. To assist you with your concern, you may contact the Bureau of Customs hotline at 8705-6000. You may also send the tracking details of your package through email at [email protected] Thank you very much.”

Pero na-hurt ang ibang netizens na pag pala sikat, ang bilis ng reply ng BOC. “Sana all sikat ambilis naman non,” hanash ng isang twitter user.

Habang sinusulat namin ito ay wala pa ulit update si Angelica kung naayos na ang lahat.

Pero wala bang ganung swimsuit sa Pilipinas? Just asking.

 

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with