^

PSN Showbiz

Joshua, pahinga na sa pagiging vlogger

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, pahinga na sa pagiging vlogger
Joshua Garcia

Tumigil na raw sa paggawa ng video vlogs si Joshua Garcia. Matatandaang naging aktibo ang aktor sa vlogging noong kasagsagan ng pandemya. “Hindi lang siya talaga para sa akin. Ako, ang tagal kong tinigilan ang vlog. Nag-vlog lang ako no’ng nag-pandemic kasi nga wala akong magawa, nasa bahay ka lang. ‘Yung time na ‘yon ‘yung nag-trend. Halos lahat ng artista nagba-vlog noon. So sabi ko, ‘Why not? Bakit di ko subukan?’ pero malalaman mo kasi kapag para sa iyo,” makahulugang pahayag ni Joshua.

Madalas ding trending ang TikTok videos ng aktor. Ngayon ay mayroong mahigit 8 million TikTok followers si Joshua.

Hindi naman isinasara ng binata ang posibilidad na muling sumabak sa vlogging. Kung sakali mang gumawa muli ng video blogs ay posib­leng magbago na raw ang mga content ng aktor. “Kung sakaling magbalik man ako, gusto ko may content ako na ibibigay na hindi nakikita ng tao talaga. Kasi ngayon parang halos parehas na ang inilalabas. Ngayon medyo busy pa. Hindi naman tamad, marami lang ginagawa. Pinrivate ko nga ang mga videos ko. Kasi no’ng pinapanood ko no’ng tumatagal, ‘Ang baduy ko naman dito, bakit ko ba ginawa ito?’ So pinrivate ko na, baka pag-arte lang ang kaya kong gawin sa ngayon,” paglalahad ng aktor.

Jake, mas nasasaktan kapag ‘di napag-usapan ang pelikula

Mainit na pinag-uusapan sa social media ang pelikulang My Father, Myself na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, at Dimples Romana dahil sa mapangahas na tema nito.

Gumawa ng ingay sa social media ang kissing scenes nina Jake at Sean sa bagong pelikula. Masayang-masaya si Jake dahil sa naging pagtanggap ng netizens nang mapanood ang trailer ng naturang Metro Manila Film Festival 2022 entry. “We’re thankful for the conversation. At the end of the day, that’s what we really want for the movie to be hyped. For me, it’s more painful if no one talks about the movie at all. A lot of people are commenting that they find the story beautiful and that they have never seen something like it before,” nakangiting pahayag ni Jake.

Para naman kay Dimples ay talagang ngayon lamang din siya nakagawa ng ganitong klase ng pelikula kaya dapat itong pakaabangan ng mga manonood.

Nararamdaman daw ng aktres ang interes ng mga manonood sa bagong pelikula. “I’m most grateful for the people who are not just talking about it but are also taking interest in it because that’s the most important first step. As artists and members of the creative team, we can’t keep telling the same stories again and again. There will always be people who will come up with a different twist to old tales, just like the premise of this movie,” pagbabahagi ni Dimples. (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with