^

PSN Showbiz

Jinkee panay ang shopping-shopping sa Korea, mga sikat na K-pop singer/star manonood ng exhibition fight ni Manny at Korean fighter?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee panay ang shopping-shopping sa Korea, mga sikat na K-pop singer/star manonood ng exhibition fight ni Manny at Korean fighter?!
Jinkee at Manny
STAR/ File

Ang daming nagdadatingang Korean pop group sa bansa.

As in ‘yung iba kailangan mo pang i-Google para makilala.

Pero iba naman sila Jinkee Pacquiao. Andun sila sa South Korea kasama ang buong pamilya nila para sa exhibition game ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Makakalaban niya sa nasabing exhibition fight ang Korean mixed martial artist na si DK Yoo sa Disyembre 11, Korea International Exhibition Center (KINTEX).

Ayon sa mga ulat, ang mga kikitain mula sa laban ay ido-donate para tumulong sa mga relief at recovery efforts sa Ukraine.

At habang tuloy ang pag-eensayo ni Manny, todo rampa naman si Jinkee sa mga sa luxury store sa South Korea kasama ang pamilya.

Nakapasyal din sila sa Itaewon.

Ang sabi, maraming Korean celebrity na manonood ng exhibition game ni Manny and DK Yoo at kabilang daw dun ang dalawang member ng BTS.

Ito nga kaya ang rason kaya nandun si Arci Muñoz na kasama ang bagong boyfriend? Para kaya mag-fangirl at makita niya nang mas malapitan ang kanyang mga iniidolo?

Si Seth Shannon Jamora ang BF ngayon ni Arci na kamag-anak pala ni Jinkee.

‘Yun pala ang konek kaya kasama sa tropa ni Manny si Arci.

Yup, Team Manny/Jinkee na pala ito.

vuukle comment

JINKEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with