^

PSN Showbiz

Sunshine, noon pa malala ang mood swing

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, noon pa malala ang mood swing
Sunshine
STAR/ File

Kaloka rin ‘yung rebelasyon ni Sunshine Dizon tungkol sa mental health problem niya sa kasalukuyan kahit noon pa ay pinag-uusapan na ang kondisyon ni Sunshine.

Dati nang parang erratic ang moods ni Sunshine kaya lagi na ay pinag-uusapan ng mga kasamahan niya sa trabaho ang mood swing nito.

Pero in fairness dahil very friendly at sweet, marami pa ring kaibigan si Sunshine.

Hindi naging issue ang mood swings niya at parang naintindihan siya ng mga nakasama niya.

Siguro naman magagamot pa ng isang mahusay na doktor sa mental health ang issue ni Sunshine.

Ang maganda ay ‘yung accep­tance niya, ‘yung alam niya ang kondisyon niya, ‘yung alam niya what is wrong with her body.

Umpisa pa lang alam mo nang magiging madali ang road to recovery niya.

Just be strong, Sunshine, madali ang paggaling mo.

AllTV, nangakong magiging aktibo

Talagang meron nang konting excitement ngayon dahil marami-rami na rin ang face-to-face presscon. Nakipag-chikahan na si Martin Nievera, natapos na rin ang launching ni Ivana Alawi para sa bago niyang endorsement.

Malapit na naman presscon ng AllTV na talagang nag-promise na magiging very active this year.

Dalawang sunod na araw ang kanilang presscon weeks ago, ‘yung kay Ka Tunying Taberna at kina Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto at Mariel Rodriguez Padilla.

Ang galing nga dahil puwedeng gawin isahan pero dalawang araw ang binigay nilang meet and greet para sa stars ng AllTV. Hindi pa kasali ang presscon ni Toni Gonzaga na bongga dahil no holds barred, lahat sinagot ni Toni at walang iniwasang issue.

Bongga ang AllTV dahil talagang lahat nag-aabang sa projects na gagawin nito. Talagang isa nang malaking threat sa networks na nakatayo ngayon ang AllTV.

Pero hindi pa rin siguro nila puwedeng talunin ang GMA 7 dahil nga sa stars na nasa istasyon.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with