^

PSN Showbiz

Rhian at Paolo, nasasayang ang talent!  

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian at Paolo, nasasayang ang talent!   
Rhian
STAR/ File

Bakit kaya parang hindi masyado ginagamit ng GMA 7 sina Rhian Ramos at Paolo Contis?

Kasi ‘pag nanonood ako ng mga serye, naiisip ko ang multi-talen­ted stars like Rhian at Paolo. ‘Yung puwede sa kontrabida, comedy at drama. ‘Yung kayang-kaya ang roles na ibibigay sa kanila.

Kasi kung minsan, ‘yung ibang stars na gina­gamit parang paulit-ulit mo nang napapanood. Kaya naghahanap ka rin ng bagong kombinasyon.

Lalo pa ngayon na ang ganda ng aura nina Rhian at Paolo. Very fit at sure na ang ganda sa screen.

Sayang naman kung hindi mo napapanood dahil mahuhusay na artista.

Calling GMA 7, please, ilagay n’yo sa mga bagong serye sina Paolo at Rhian. Sayang.

Gawin nating busy para maiba naman.

Bong, nilibot ang pilipinas para makapagpaligaya

Sobra siguro ang pagod ni Bong Revilla sa kanyang mga charity event. Imagine na halos libutin niya ang buong Pilipinas para lang mabigyan ng konti man lang ligaya ang mga sumasali sa kanyang pa-contest lalo na Facebook.

Alam ni Bong na hindi niya kakayaning bigyan ang lahat, pero sa ilang mapapaligaya niya sapat na iyon sa pagod niya.

‘Yung kahit papaano, dalawang pamilya ang manalo ng dalawang kotse, ‘yung 10 na mabibigyan ng motor, ‘yung marami-rami ring makakatanggap ng cash. ‘Yung katuwaan nakikita niya sa mukha ng nananalo, talagang nawawala ang pagod niya. Enjoy na enjoy siya sa programa niya sa Facebook kaya naman ito ang hinaharap niya nang husto sa ngayon.

vuukle comment

RHIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with