^

PSN Showbiz

Pagsisid ni Heaven, nagpainit!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Pagsisid ni Heaven, nagpainit!
Heaven
STAR/ File

Nakakaloka, Ateng Salve, ang komento ng ilang guy friends ko tungkol sa kaseksihan ni Heaven Peralejo sa trailer ng 2022 Metro Manila Film Festival movie nila ni Ian Veneracion, ang Nanahimik ang Gabi ng Rein Entertainment.

Sobra raw kasing nakapang-iinit ‘yung scene ni Heaven na sumisisid sa swimming pool at naka-black bra at white panty lang.

Naku, feeling ko nga after ng pelikula nilang ito ni Ian ay magda-dialogue ang mga kalalakihan kay Heaven ng, “More! More! More,” huh! Pero willing nga kaya ang Kapamilya star na mas magpaka-daring pa sa mga susunod niyang pelikula?

Well...

Anyway, bongga nga pala ang promotions ng Nanahimik ang Gabi dahil talaga namang sobrang effort ang ine-exert ng stars.

Si Ian, nag-piano’t kumanta pa sa isang mall sa BGC (Bonifacio Global City), Taguig City.

Marami namang mga fan si Ian, at okey rin ang following ni Heaven at mukhang marami nga ang may gusto sa lampungan scenes nila sa trailer ng pelikula!

Lovi at Carlo, itutuloy ang ‘seasons’

Ginawa nina Lovi Poe at Carlo Aquino ang Seasons project noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Noong isang araw, nag-dubbing si Lovi para sa ilang mga eksena ng Seasons at naaliw siya sa kasama niyang assistant dahil iyak ito nang iyak sa mga eksena ng Kapa­milya Prime Actress.

Nang mag-renew ng movie contract sa Regal Entertainment, Inc. si Lovi, napag-usapan nila ni Ms. Roselle Monteverde ang tungkol sa Seasons. That time, nabanggit na baka gawing series ‘yon at ipalabas online dahil maraming mga eksenang nakunan na sayang naman kundi maisasama.

Pero sabi naman sa akin ni Leo Dominguez, Lovi’s manager, hindi pa raw talaga sure.

Kung gagawing online series ‘yon, two parts bale. Pero pelikula raw kasi talaga ang Seasons, kaya si Roselle na raw ang magdedesisyon tungkol doon.

Anyway, today ay nasa ASAP Natin ‘To si Lovi at saka siya pupunta sa Mega BeautyCon event sa Palm Drive Activity Center in Glorietta 2, Makati City ng Ready Set Glow cosmetics na ine-endorse niya.

Bongga!

Pops, sa Amerika muna maglalagi

Akala ko ay uuwi pa ng ‘Pinas si Pops Fernandez bago ang birthday niya on Dec. 12, pero hindi na pala.

Nasa Hawaii siya ngayon para sa isang show at marami pa siyang shows around Amerika.

Sa Jan. 15 nga, may show pa siya sa Portland, Oregon na iko-cover ko.

Sabi sa akin ni Pops kahapon, “Finishing all the shows na muna then baka third week ako uuwi ng Philippines.”

Masaya naman si Pops na makakasama niya ngayong Christmas ang mga anak na sina Robin and Ram Nievera. Siyempre, makakasama rin niya ang bunsong anak ni Martin Nievera, na si Santino, na sobrang love ni Pops at sobrang close rin naman siya sa nanay ng bata, kay Katrina Ojeda.

‘Yun na!

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with