^

PSN Showbiz

Roderick, tahimik pa sa hatol ng Sandigan

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Roderick, tahimik pa sa hatol ng Sandigan
Rhoderick
STAR/ File

Para talagang gumuho na at katapusan na ng mundo para sa actor at dating konsehal ng Quezon City na si Rode­rick Paulate, matapos siyang hatulan ng guilty ng Sandi­ganbayan.

Graft at falsification of public documents ang akusasyon laban kay Roderick, dahil sa umano’y ghost employees na kanyang kinuha at binayaran noong 2010.

Iyan iyong mga sinasabing empleyado na 15-30, o pumapasok lamang para kumuha ng suweldo. Wala namang comment si Kuya Dick nang basahan siya ng hatol ng Sandiganbayan, pero tiyak iyan aapela siya sa Court of Appeals.

Tama naman ang reports na pinakamababang kulong diyan kung sakali ay 10 taon, pero OA naman iyong sinasabing makukulong siya ng 60 years.

Isipin ninyo ilang taon na ngayon si Kuya Dick at mandatory naman iyong pagdating mo ng edad na 70, iko-consider ka na para sa parole. Maaari ngang mas maaga pa kung maganda ang kanyang magiging record.

Nakakalungkot din na may isang artistang maakusahan ng ganyan, pero nangyari na. May mga tao namang nagsasabi na sana i-consider din naman iyong mga mabuting nagawa niya noong panahong konsehal siya. Pero ganoon talaga ang buhay ng isang public official. Gawin mo man ang lahat ng mabuti, basta nagkamali ka nang minsan yari ka.

Iyang kaso ni Kuya Dick, hatol na iyan ng korte, pero makakapagharap pa siya ng karagdagang ebidensiya kung mayroon pa at maitataas niya iyan sa mataas na hukuman.

Alam naman ninyo ang batas, walang masasa­bing final diyan hanggang hindi desisyon ng Korte Suprema.

Maxene, inaming sinubukang isalba ang kasal

Ngayon nagsalita na openly si Maxene Magalona, na bago sila naghiwalay ng asawang si Rob Mananquil, sinikap din naman nilang mai-save ang kanilang pamilya. Matagal din daw silang nagpilit na mai-save iyon, pero dumating na ang panahong kapwa sila sumuko na kaya nagpasya sila na maghiwalay.

Nilinaw rin ni Maxene na iyon ay isang mutual decision.

Ang maganda nga lang, iyong sinabi niyang siyang magdesisyon na umalis na sa kanilang conjugal home at manirahang mag-isa sa isang condo, mas nakatagpo na siya ng katahimikan sa kanyang buhay.

Tiyak iyan, ang susunod na itatanong nila kay Maxene ay kung tatanggap na ba ito ng manliligaw, pero kung kami ang tatanungin, oo nga’t naghiwalay sila, pero kasal pa rin naman sila legally, at matagal na panahon pa iyan. Bakit ang hindi natin isipin ay kung maaari pa ba silang magkasundo?

Oo nga naghiwalay sila, at sinabing nagsikap sila pero wala na talaga, baka naman kung magkalayo sandali ay mas makapag-isip sila at magkasundo pa.

Mabuti na nga lang din at hindi pa sila nagkakaanak, kung hindi mas mahirap dahil tiyak na apektado ng kanilang desisyon ang magiging buhay ng bata.

Direk, nag-hire ng trolls para siraan ang kinababaliwang aktor

“Obsessed kasi iyang si direk kay male star bata pa lang iyon. Talagang ambisyon niyang maging jowa pagdating ng araw, kaso hindi trip ni male star,” sabi ng isang source namin. Iyon daw ang dahilan kung bakit tila ang obsession ni direk ay napalitan na ng pagkamuhi sa male star, lalo na noong diretsahin siya noon na hindi siya papatulan.

Ngayon, talagang may hired trolls si direk para siraan si male star.

OA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with