^

PSN Showbiz

Kasalang Arjo at Maine, malapit na?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasalang Arjo at Maine, malapit na?!
Arjo at Maine

Winner si Maine Mendoza sa 27th Asian Television Awards (ATA).

Wagi siya na Best Entertainment Presenter/Host para sa programa niyang #MaineGoals. “Huge THANK YOU to my Maine faaam such an honor to receive so much recognition but I wouldn’t have gotten these without all your support. Maraming salamat sainyo!!!,” tweet ni Maine pagkatapos kumalat sa social media ang kanyang pagkapanalo.

Hindi siya nakadali dahil nasa taping siya ng Daddy’s Gurl.

Bukod sa Asian TV Awards, pinarangalan din siyang Gawad Pilipino Hero of the Year at Asia’s Most Phenomenal TV Personality of the Year sa 6th Asia Pacific Luminare Awards.

Hindi man super active si Maine, dire-diretso naman ang natatanggap niyang recognition.

Samantala, wala pa silang announcement ni Cong. Arjo Atayde kung kailan ang kanilang kasal pero galing sila sa mahabang bakasyon sa Europe.

Last week din ay naipakilala ni Arjo si Maine sa kanyang lola na pinagpasalamat ni Sylvia Sanchez.

“Maraming salamat mga anak Arjo at Maine kahit napaka busy niyo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo Arjo si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth at kay Lola Rose mo. Napakasaya ng puso ko

“Salamat mga anak

“Truly appreciated!!!

“Love u both?”

Kasal na lang talaga nina Arjo at Maine ang hinihintay ng lahat.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with