^

PSN Showbiz

Jane, sumabak sa matinding bakbakan bago nagkasakit!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jane, sumabak sa matinding bakbakan bago nagkasakit!
Jane de Leon

May bagong season ang Mars Ravelo’s Darna kaya ‘di totoo ang intrigang wawakasan na ito. Kasalukuyan pang nagpapagaling si Jane de Leon sa dengue at urinary tract infection (UTI).

Pero matindi ang bakbakan na magaganap mula sa trending fight scenes ni Darna (Jane de Leon) kasama ang Martean warrior na si Luna (Kira Balinger) hanggang sa maiinit na harapan nila ni Valentina (Janella Salvador).

Sa nakatakdang pagharap ni Darna sa mas matitindi pang laban, balikan ang ilan sa mga naging kalaban na sumubok sa pagiging “protektor” niya.

Sa mga mata ng nakakarami, masama ang mga Extra subalit pinaniniwalaan ni Darna na pawang mga biktima rin sila na nangangailangan ng tulong.

Totoo ito sa katauhan ni Javier (Dominic Ochoa) na sinubukang isiwalat ang korapsyon sa likod ng government facility na itinatayo gamit ang substandard na materyales. Matapos siyang ilibing nang buhay ng kanyang mga kasamahan, bumangon siya sa hukay sa pamamagitan ng chrysalis at naging si “Lindol Man” na may kakayahang kontrolin ang lupa.

Napapanood ang Darna gabi-gabi 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5.

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with