^

PSN Showbiz

Paolo, lutang ang saya kay Yen

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, lutang ang saya kay Yen
Paolo at Yen

Grabe, very late ang pag-send ko ng kolum ko dahil dialysis day ko kahapon. At dahil sa inyo ni Gorgy Rula na ma-PR sa classmates ko sa dialysis session ko, naku chika-chika na bago makabitan ng panlinis ng blood.

Kaloka talaga na ‘yung iba nakakatulog habang nagda-dialysis tapos ako hindi makatulog at laging nagugutom.

Talagang kaloka na December pero nandito ako at nagpapagamot sa halip na nasa labas at enjoy sa panghaharbat.

At bongga, Salve at Gorgy, na lagi kayong hinahanap ng mga classmate ko ha, para bang close friends n’yo sila.

Hay naku, kelan ko kaya mae-enjoy ang pagiging pasyente at dialysis patient. Next month 2023 na, siguro naman aside from sana maging happy na uli ang showbiz, maging happy patient na rin ako dahil ang bait pa naman ng medical staffs ng FEU Hospital kaya nahihiya na ako na magmaldita.

Samantala, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga ‘pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, nagpapa-picture ang lahat sa room, kalokah! Eh, in fairness lahat ng alaga ko very friendly kaya ok lang sa kanila ang picture taking at pagkaguluhan ng fans nila.

At kahapon andun si Paolo Contis. Hanga ako ngayon sa physique ni Paolo dahil fit na fit siya. At mukhang very stable siya ngayon. Talagang mukha siyang happy at contented, kaya sinuman ang love niya ngayon good influence sa kanya.

At palagay ko ito ang inspiration na matagal nang hinihintay ni Paolo. Clue, ibigay na natin, ang lucky girl, si Yen Santos.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with