^

PSN Showbiz

Jessy, nahirapang tanggapin ang paglaki ng tiyan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy, nahirapang tanggapin ang paglaki ng tiyan!
Jessy MendioIa

Nahirapan si Jessy MendioIa na tanggapin ang kanyang pagbubuntis noong umpisa.

Inamin nga ng misis ni Luis Manzano na nagkaroon siya ng insecurities nang ipagbuntis niya ang panganay nilang si Baby Peanut.

As in nagkaroon daw siya ng chance na nade-depress siya. “As in dati, may abs ako tapos naka-swimsuit pa ako lagi. May bikini pictures pa ako,” banggit ni Jessy.

“I really get insecure. People are saying kapag buntis ka, dapat lagi kang masaya. Pero honestly, mahirap sa akin tanggapin na talagang lalaki ako or magbabago ‘yung itsura ko,” dagdag pa niya.

Hindi naman aniya ‘yun nagtagal.

Natanggap niya ang pagbabago sa kanyang katawan. “Hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago ‘yung katawan mo. Mas lalo na kung you were active before the pregnancy.

“As months go by, kapag nakikita mong lumalaki ‘yung tiyan mo, doon mo maiisip na it’s all worth it kasi you are carrying a human inside of you,” dagdag niya.

At natanggap naman daw niya ang lahat ng pagbabago sa kanyang katawan.

“I’ve accepted that my body will change regardless of how much I try to live in the past. To all the expectant moms out there like me, remember… you have a growing HUMAN inside of you. It’s not easy, but it’s WORTH IT,” pagbabahagi pa ng daughter-in-law ni Vilma Santos.

JESSY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with