^

PSN Showbiz

Bong certified vlogger, silver play button sa youtube natanggap na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bong certified vlogger, silver play button sa youtube natanggap na
Bong Revilla Jr.

Certified vlogger na rin si Sen. Bong Revilla Jr.

Natanggap na ng aktor / pulitiko ang kanyang YouTube Silver Play Buttton.

Actually, parang naantala pa nga raw ang naturang Silver Play dahil halos dalawang taon na ang nakalipas nang magkaroon ito 100K subscribers.

Sa ngayon, 264K plus na ang subscribers niya at dumarami pa.

“Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag hawak mo na ‘yung kahon, unti-unti nang binubuksan hanggang mahawakan ko na ‘yung Silver Play Button.

“Taus-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng subscri­bers na nakatutok palagi sa akin,” nakangiting pahayag ni Sen. Bong.

Dahil dito, tiniyak niyang mas marami pang sorpresa ang kanyang ihahanda sa kanyang channel sa mga dara­ting na araw (https://www.youtube.com/@BongRevillajrph).

“Join na sa ating Road to 1 Million Subscribers para sa YouTube Gold Play Button!,” nakatawang banggit ng tsinitong Senador.

Samantala, aligaga ngayon si Bong sa kanyang Amazing Pamasko ni Pogi sa Disyembre 17 at 18, Sabado at Linggo, 4 ng hapon.

Aabot daw kasi sa P1M ang ipamamahagi, 2 kotseng Suzuki S-Presso, 5 motorsiklo, at marami pang iba.

At 1000 kalahok daw ang mananalo ng tig-P1,000 at marami pang sorpresa at cash prizes, dagdag niyang chika.

Para makasali sa #AmazingPamaskoNiPogi, siguruhing naka-follow at subscribe sa kanyang Official Facebook Page, YouTube Channel, Instagram, at Tiktok account na isa sa mga requirement sa pagsali sa raffle.

At hindi pa halos nagpapahinga si Sen. Bong dahil sa sunud-sunod na dagok na dumating sa bansa na halos hindi pa nakakaporma ay may kasunod na namang trahedya kaya kabi-kabila rin ang ginawa nitong Bayanihan Relief operations.

“Halos isang buwang wala tayong pahinga dahil sa walang tigil nating pag­responde at pamamahagi ng tulong at ayuda,” saad niya.

Sa totoo lang talagang bugbog na kasi sa mga kalamidad ang ating bayan.

At in all fairness, ang maganda kay Sen. Bong, lumalabas ang charisma at natutuwa ang mga tao sa tuwing makikita siyang naghahatid mismo ng mga food pack lalo na dun sa mga binagyo ng Neneng kung saan nakarating siya ng Cagayan para sa Bayanihan Relief operation lalo na ‘yung mga nasa evacuation center. Kumbaga nakakabawas sa bigat na nararamdaman ng mga biktima ng sunud-sunod na kalamidad.

Hindi rin niya pinabayaan ang mga taga-Cavite nang matinding hagupitin ng bagyo. “Malaki ang ating pasasalamat sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) na agad na nagtungo sa lalawigan ng Cavite para pangunahan ang pagpapaabot ng kanyang tulong sa mga nasalanta,” banggit ng senador na aktor.

Nasundan pa ito ng pagdating ni Vice President Sara Duterte sa kanilang probinsya.

At umabot pa siya hanggang Zamboanga, Maguinda­nao del Norte, at kung saan-saan pa.

BONG REVILLA JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with