^

PSN Showbiz

Aktres, sinundo ng sikat at maimpluwensyang pulitiko sa MET!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nangako ako sa taong pinagtanungan kong hindi ko babanggitin o ikukuwento kung sino itong sikat at influential na personality na sumundo sa napakagandang actress na dumalo sa nakaraang The EDDYS awards ng grupong SPEEd o Society of the Philippine Entertainment Editors na ginanap sa Metropolitan Theater nung nakaraang Linggo.

Habang nasa loob ng theater at ginaganap ang awarding, iilan lang ang nakasaksi sa pagdating ng isang magarang sasakyan sa tapat ng MET.

Lumabas si napakagandang aktres at sumakay sa kotseng ‘yun habang nakabantay ang mga maraming guards Theater.

Ay bongga! Yayamanin at malakas itong si male personality na sumundo kay napakagandang aktres.

Sa kakukulit ko sa isang napagtanungan ko, napanganga na lang ako sa sobrang gulat.

May konek kasi itong si male personality sa isa sa mga dumalo sa EDDYS.

Kaya na-shooks aketch!

PJ boto pa rin kay Tom, wish magkabalikan sila ni Carla

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nag-uusap ang mag-amang Rey ‘PJ’ Abellana at Carla Abellana.

Maaaring nagtampo raw sa kanya, pero gustong iparating ng aktor na nandiyan lang siya at sana raw ay magkausap sila nang masinsinan kaugnay sa pinag­daanan niya.

Nakatsikahan namin si Rey sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi para sa promo ng MMFF entry nilang Mamasapano: Now It Can Be Told.

Kasama ni PJ ang kapatid niyang si Jojo Abellana na kabilang din sa naturang pelikula. Kahit si Jojo ay hindi pa rin daw niya nakausap ang kanyang pamangkin.

“I tried… nag-message ako kay Carla. Sumagot naman siya, pero hindi talaga siya nagsasalita e about what happened to both of them.

“Wala siyang sinabi sa amin, basta, as much as possible, tahimik lang daw muna kami, huwag daw muna kami magsasalita. So, nirespeto ko naman ‘yun.

“Mahirap ding manghimasok sa ganung sitwasyon. Basta kami, as an uncle, I’m willing to listen and give some advices.

“Kung sakaling mag-open up si Carla sa akin, nandito lang kami,” saad ni Jojo Abellana.

Sabi naman ni PJ, kung nagtampo man ang kanyang anak dahil sa pagsasalita niya noon, may paliwanag ang aktor tungkol diyan. “Maaaring may tampo sa akin ‘yung aking anak. Pero minsan kasi ang bata ay mas hindi nakakaintindi sa matanda nang lubusan. Kasi, I would say ang mas matanda ay malalim kasing mag-isip yan, at ‘yung kaisipan ng mas matanda ay malalim ‘yan dun sa kaisipan ng mas bata.

“Marahil ay hindi masyadong naabot ng bata ‘yung lalim ng kaisipan ng gustong mangyari ng mas nakakatanda. Kaya minsan may nangyayaring sitwasyon na akala mo mali sa kanya, pero tama naman supposedly ‘yung sadya ng mas matanda kung papano nangyari ‘yun.

“On my part, I’ve been always here. I’ve been trying to help out, to reach out para matulungan, maagapan, the earlier the better kasi supposedly e.”

Pero nandiyan pa rin ang hangad ni PJ na sana magkabalikan sina Carla at Tom Rodriguez.

Kung siya raw ang tatanungin, bukas daw siya sa pagbabalikan, dahil naniniwala siyang nandiyan pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

“There’s always a second time around you know. There’s always a second chance again,” pakli ng aktor.

“Alam n’yo honestly, basing from my case. Basing from my experience, if you were to ask me kung posible ba ‘yung dati ko babalikan ko pa? Inspite, of the lapse of time, changes, at everything, maraming nagbago. ‘Pag tinanong mo ako, na may chance pa kaya na ang dati mo ay babalikan mo pa?

“Speaking from myself ha?

“Ako, posibleng mabalikan ko pa ‘yung dati. Kasi alam n’yo ba kung bakit?

Minahal mo rin kasi ‘yung taong ‘yan. Natutunan mo na ring mahalin ‘yan.

Alam mo minsan ‘yung pagmamahal na yan, hindi naman nawawala ‘yan e. ‘Pag mahal mo ‘yung tao, mahal mo na ‘yan e.

“So, it’s possible. Posibleng mabalikan ko ‘yung dati ko. Posible,” dagdag niyang pahayag.

Kaya ‘yun din daw sana ang gusto niyang mang­yari kina Tom at Carla.

“Ako, gusto ko dahil in favor ako sa kanilang dalawa.”

Para kay PJ Abellana, si Tom pa rin daw ang kinikilala niyang asawa ng kanyang anak at son-in-law niya.

“First of all, si Tom ang lumapit sa akin before he left for the States. Siya ‘yung pumunta sa akin, at nag-open up sa akin. We talked one on one, at I saw the guy… I even told him na if worse comes to worst, I still address you as my son.  ‘Yan ang sinabi ko sa kanya.

“Sinabi ko, kasal ka na sa anak ko e. Certified ka na sa anak ko. Legit ka na. So, I should consider you as my son as well.

“So, nakikita ko kay Tom na kabutihan naman ang ipinakita niya sa akin. All the while, the last time I saw him, I’m in favor of Tom. Wala akong against kay Tom.

“And I would still say na boto pa rin ako sa kanilang dalawa, supposedly,” saad ni Rey PJ Abellana.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with