^

PSN Showbiz

'Please pray for me': Claudine Barretto isinailalim sa surgery ang hita

James Relativo - Philstar.com
'Please pray for me': Claudine Barretto isinailalim sa surgery ang hita
Video grab kay Claudine Barretto habang itinutulak papasok ng operating room
Mula sa Instagram account ni Claudine Barretto

MANILA, Philippines — Humihingi ng panalangin ang aktres na si Claudine Barretto kaugnay ng pagdadaanang niyang operasyon sa hita, bagay na hindi pa niya inililinaw kung para saan.

Martes nang magpaskil si Claudine ng video habang itinutulak papasok ng operating room sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City, Lungsod ng Taguig.

"On my way to the OR guys. Please pray for me. I'll keep you posted. Bye everyone," wika niya noong ika-29 Nobyembre sa Instagram.

"I'm here at St. Luke's Global to have my operation sa thigh ko. So the operation will be at 7 a.m. Wish me luck. Pray for me. Thank you," sabi niya sa hiwalay na paskil.

Biyernes pa nang sabihin ni Claudine na nagtungo siya sa emergency room ng parehong ospital, ngunit idiniin niyang wala itong kinalaman sa COVID-19.

Wala pa naman siyang update hanggang sa ngayon kung ano na ang nangyari matapos ang procedure.

"Before Surgery. Thank you so much #for all your prayers Palanggas," dagdag pa niya.

Ilan sa mga nagpaabot sa kanya ng suporta at dasal ang mga kasama sa industriya ng showbiz gaya nina Lorna Tolentino, Sunshine Cruz, Baron Geisler at Princess Punzalan.

CLAUDINE BARRETTO

SURGERY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with