^

PSN Showbiz

Karanasan ni Robin, sa bilibid biglang naalala kay Vhong

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Karanasan ni Robin, sa bilibid biglang naalala kay Vhong
Vhong Navarro

Si Sen. Robin Padilla ang naalala ko tuwing naririnig at nababasa ang balita tungkol kay Vhong Navarro.

Nakulong noon si Sen. Robin dahil sa illegal possession of firearms.

Isang mini bus kami. Sina nina Sen. Jinggoy Estrada at Phillip Salvador noon ang nag-organize ng nasabing Bilibid trip para kumustahin si Robin.

Nakasabay pa namin noon na dumalaw ang anak ni Leah Orosa na hindi pa noon nakikita ni Robin.

Nang makapasok kami sa may holding area ng mga ‘dalaw,’ mangiyak-ngiyak noon si Sen. Robin habang kinukuwento niya na nahihirapan siya dahil ang hindi ko malimutang kuwento ay kahit daw natutulog siya, may mga langgam na gumagapang sa kanyang tenga.

As in nakakaiyak ang mga kuwento niya habang andun sa kulu­ngan.

At ‘yun talaga ang nagpa-flashback everytime na mapapanood ko si Vhong na doon na rin nakakulong sa kasalukuyan dahil naman sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Hindi talaga madali ang magiging laban ni Vhong sa kulungan.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with