^

PSN Showbiz

Coleen, maraming ‘di alam bago nagkaanak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coleen, maraming âdi alam bago nagkaanak!
Coleen Garcia

Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay maraming mga bagay ang natutunan ni Coleen Garcia. Mahigit dalawang taong gulang na ngayon ang anak ng aktres at Billy Crawford na si ­Amari. “’Yung mga experiences talaga, they’re so humbling. Mari-realize mo na parang ang dami ko pa palang hindi alam. And then when you change that mindset, it makes you more open to learning, to absorbing information,” bungad ni Coleen.

Mula sa kanyang pagbubuntis hanggang ngayong pinalalaki na ang anak ay mas naging responsable bilang isang magulang ang aktres. “Kailangan open ka talaga to learn. Kasi kung close-minded ka as a parent, mapapalayo sa ‘yo ‘yung bata. Kailangan open ka kasi tao ‘yan eh. We’re all different as people. You have to treat that child as a little human being, ‘yung respect na binibigay mo sa kanya. Gano’n din ‘yung respect na binibigay mo sa mga adults,” giit niya.

Para kay Coleen ay malaki ang naitutulong ng madalas na pakikipag-usap kay Amari upang matuto rin ang bata habang lumalaki. “Since I invested so much time noong bata siya, we’re so in sync. Ang lakas talaga ng connection namin and I really understand him so well. Kilalang-kilala ko siya nang buong-buo. Ngayon na toddler siya, it’s not hard. Kasi ang pinakamahirap talaga sa toddler stage ay communication. As long as you know how to communicate at ma-address mo ‘yung needs ng bata, hindi siya ma-tantrum, kasi nakukuha naman niya ‘yung kailangan niya. Si Amari napakadaling alagaan talaga, sobrang blessed talaga kami sa kanya,” pagtatapos ng aktres.

Dimples, nakita ang gigil ni Sean

Napahanga si Dimples Romana sa pagiging maga­ling na aktor ni Sean de Guzman.

Kasamahang bida ng dalawa si Jake Cuenca sa pelikulang My Father, Myself na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022 ngayong Kapaskuhan. “In my head, my God, if he continues to be just the same, humble, very listening, absorbing actor that he is. He’s going to go a very long way dahil nakita ko na ‘yang ganyang gigil sa ganyang pagkatao. Ang gandang panoorin ni Sean. I hope you guys will really appreciate the kind of work he did for this movie,” nakangiting pahayag ni Dimples.

Para sa aktres ay malaki ang naging impluwensya ng premyadong direktor na si direk Joel Lamangan kay Sean.

Matatandaang unang nagbida ang aktor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer na ginawa ni Direk Joel noong isang taon. “Kasi siya, sa totoo lang, he knows how to be playful, nakikipagbiruan siya. But he also knows when work is work and that I appreciate the most. Hindi siya easily intimidated kasi kung isipin mo minsan ‘pag hindi kami nagsasalita ni Jake pwede mong isipin para ma-intimidate ka, pero siya walang ganoon. Trained siya kay Direk Joel. Nakikinig siya, hindi lang siya over aesthetic kasi may eksena kaming dalawa that you have to watch out for. ‘Yung eksena ni Sean, dalawa kami nito pero kanyang-kanya ‘yon,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

COLEEN GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with