^

PSN Showbiz

Boy Abunda, nanggulat nang amining dating P.A sa MET!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Boy Abunda, nanggulat nang amining dating P.A sa MET!
Boy Abunda

“You have to indulge me here a little bit. Alam ninyo po, mga kaibigan, sa backstage, dito po ako nag-umpisa sa teatrong ‘to. Mara­ming salamat to EDDYs and to SPEED for bringing me back here,” simula ni Kuya Boy Abunda nang mag-trip down memory lane ang King of Talk sa ginanap na The 5th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na ginanap sa Metropolitan Theater (MET) last Sunday.

Kakaunti ang nakakaalam na hindi naman agad TV host si Kuya Boy nang mag-umpisa sa showbiz.

“Sabi sa akin nu’ng mga bata, ‘Ano ho ang inyong trabaho dito nu’ng kayo ay nag-uumpisa sa MET?’ Sabi ko, ‘I was a production assistant. I’m familiar with this stage as backstage. I used to fix costumes. I used to clean this very stage which I’m standing on tonight.  So, maraming-maraming salamat. And, welcome to the Theater.

“Kanina, nu’ng the voice over was asking the audience to stand for the Philippine National Anthem, trabaho ko po ‘yun, ‘Ladies and gentlemen, please rise for the Philippine National Anthem.’

“Today, I’m back. Tonight, I’m back. For the 5th EDDYS.

“Baon ko pa rin po ang aking pusong-production assistant. I’ll always be a P.A by heart.

“Pero ako’y natutuwa na tayo’y magkakasama and I’m in a familiar place with familiar faces,” na medyo ikinagulat ng mga dumalo sa 5th EDDYS.

Inalala niya rin na nawala ang virginity sa balcony ng MET. “We’re being streamed. We’re not on free TV, so I lost my virginity in the balcony. That’s a joke! Hahaha!”

Pero biro lang aniya ‘yun. Hahaha.

Pagdating sa pagho-host, masasabi talagang walang makakapantay sa galing ng isang Boy Abunda. Tunay na King of Talk.

Walang kahit anong talent fee na tinanggap si Kuya Boy nang mag-host siya sa The 5th EDDYS.

Thank you sa pagmamahal, Kuya Boy.

 

 

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with