^

PSN Showbiz

Tatlong teleserye ng ABS-CBN, mapapanood sa Malaysia

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tatlong teleserye ng ABS-CBN, mapapanood sa Malaysia
Janine Gutierrez at Paulo Avelino

Mapapanood na rin sa Malaysia ang ilan sa mga teleserye ng ABS-CBN na tumatak sa mga manonood na Pinoy, tulad ng Marry Me, Marry You, Halik, at On the Wings of Love.

Ang mga programang ito ang kauna-unahang programang Pinoy na itatampok sa free TV channel nitong TVS Channel 122.

Kasalukuyang napapanood doon ang unang Kapamilya teleserye ni Janine Gutierrez na Marry Me, Marry You katambal si Paulo Avelino at una ring ipinalabas sa Pinas nitong 2021.

Samantala, sunod namang ipapalabas ang drama-affair serye nitong  Halik na pinagbidahan noon nina Sam Milby, Yen Santos, Yam Concepcion, at ng Asia’s Prince of Drama na si Jericho Rosales, na nakilala rin internationally sa mga Kapamilya programs noon na Pangako Sa ‘Yo, Dahil May Isang Ikaw, Bridges of Love, at The Legal Wife, pati sa 2014 Malaysian series na Kusinera Cinta.

Aabangan din ng mga manonood sa Malaysia ang hit romantic-comedy serye na On the Wings of Love ng tambalang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Hanggang ngayon, kinikilala ang ABS-CBN sa paghahatid ng mga de-kalidad nitong mga teleserye, pelikula, at iba pang programa sa iba’t ibang dako ng mundo, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa abroad.

Nauna nang nagkaroon ng Malaysian remake ang programang Tayong Dalawa na pinamagatang Angkara Cinta.

JANINE GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with