^

PSN Showbiz

Angeline, maraming natuklasan sa sarili mula nang magkaanak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline, maraming natuklasan sa sarili mula nang magkaanak
Angeline at Sylvio

Abala nang muli sa pagtatrabaho si Angeline Quinto pagkatapos manganak nito lamang Abril. Kahit kabi-kabila ang trabaho ay sinisikap pa rin na maalagaan ng singer ang anak na si Sylvio. “Na-discover ko na napakarami ko pa lang kayang gawin bukod sa trabaho ko na napagsasabay ko ang trabaho. Parang ngayon, ako din ‘yung gumagawa ng gawaing bahay. Meron namang helper pero mas gusto ko na ako ‘yung mas hands on ­sa anak ko,” bungad ni Angeline.

Hanggang maaari ay gustong masaksihan ng singer ang lahat ng milestones ng anak nila ng kasintahang si Nonrev Daquina. “’Pag wala talaga akong work, ako ‘yung nagpapaligo sa kanya. Ako nagpapakain tapos ‘pag matutulog na siya, ayoko sa crib. Gusto ko katabi ko siya sa kama. Totoo pala ‘yon na kapag nanay ka na, kahit pagod na pagod ka sa work, pag-uwi mo sa bahay nawawala lahat ng pagod mo ‘pag nakita mo ‘yung anak mo. Ayokong may nami-miss ‘yung mga gano’ng milestone ng anak ko. Nakatabi sa akin lahat, ‘yung first na gupit ng kuko, ‘yung mga ganyan,” paglalahad niya.

Mula nang maging isang ganap na ina ay maraming mga bagay na rin ang natuklasan ni Angeline sa kanyang sarili. “Ang na-discover ko simula no’ng nagkaroon ako ng anak, na napaka-strong ko pala na babae, na despite sa lahat ng mga nangyari sa akin, heto ako nagtatrabaho pa rin ako para sa future ng anak ko. Akala ko kasi dati hindi ko kaya maging nanay. Hindi pa ako ready dati. Kasi nga after no’ng nawala ‘yung Mama (Bob), hindi ko na alam ‘yung purpose ko talaga sa buhay. So everyday nagdadasal ako kung ano ‘yung purpose ko. So binigay si Sylvio,” paliwanag ng singer.

Chie, mahilig mag-ampon ng aso

Malaki ang pasasalamat ni Chie Filomeno dahil maraming proyekto ang kanyang pinagkakaabalahan. Bukod sa telebis­yon ay aktibo rin ang sexy actress sa paggawa ng pelikula. “I just shot a movie with Miles Ocampo. I’m with Showtime and ASAP almost every day. May mga upcoming projects din na hindi ko pa pwede masabi. It was good kasi nakatrabaho ko na din si Miles sa mga teleserye and sa SundayKada also. It’s a breeze to work with her,” nakangiting pahayag ni Chie.

Hindi umano mapili ang dalaga sa roles na inaalok sa kanya. Walang problema kay Chie kahit na gumanap bilang isang kontrabida. “I think best of both worlds siya. Maiintindihan n’yo talaga where she’s coming from. I’m happy na ‘yung mga kontrabida roles na pino-portray ko ngayon, may hugot na din talaga. Hindi ‘yung totally dark character and gusto ko dahil ma-depth siya,” giit ng dalaga.

Samantala, matatandaang labis na ikinalungkot ni Chie ang pagkamatay ng kanyang asong si Matty ilang buwan na ang nakalilipas. Sa ngayon ay marami pa ring alaga ang aktres dahil hilig nitong mag-ampon ng mga aso. “I still have five dogs. Most of them are adopted kaya marami sila. Si Matty ‘yung nawala and feel ko I’m not yet ready to get a new one. Actually, meron nga akong kuwintas. Pinalagay ko ‘yung ash niya do’n,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

ANGELINE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with