^

PSN Showbiz

Manager, matinding mag-powertrip!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Isang aral na lagi kong ginagawa ay iyon huwag isali ang mga alaga mo pag gusto mong mag-power trip. Dapat sa isang manager, iba iyon personal niyang feeling, dun sa mga dapat gawin para sa career ng mga alaga nila.

Halimbawa na alam mo na better para sa career ng alaga mo na mag-PR sa mga taong alam nila na makakatulong sa kanilang career. Kung meron ka man personal na away sa ibang tao, dapat out dun ang mga alaga mo. Pag isinali mo sila sa mga personal mong away, maapektuhan pati ang kanilang career.

Kadalasan nun na pag may kaaway akong writer, hindi ako nagagalit o pumipigil sa alaga ko na maging mabait sa writer na iyon. Kasi nga alam ko na malaking tulong para sa alaga ko na isulat ng nasabing writer.

Maikli ang utak ng isang manager na pati mga alaga ay isali sa mga personal niyang away.

Sabagay, usually naman mga alaga ng mga ganitong klase ng manager mga jobless o mga gurang na kaya hindi pa nila nakikita ang kagagahan ng mga manager nila.

Very pathetic na pati mga alaga isali sa personal mong away. 

Kakaloka.

Julie Anne maraming dinaanan bago nag-match kay Rayver

Bongga na rin ang JulieVerse - sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Bago pala ang matagumpay nilang concert ay lumipad ang dalawang Kapuso artists pa-Cebu para pangunahan ang Christmas Tree of Hope Lighting Ceremony doon. 

Layunin daw ng Christmas Tree of Hope na makakalap ng pondo para makatulong sa mga Kapuso sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Noong Sabado, Nov. 26,ay napanood naman ang JulieVerse concert sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City. Bongga dahil puno raw ang venue nito.

Si Rayver na nga siguro ang para kay Julie Anne.

Parang ang dami nang naka-loveteam ng Kapuso singer/ actress pero parang ito mabilis kumbaga nag-match sa kanya.

Dahil dyan happy ako kay Julie Anne.

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with